AQUACULTURE EXTENSION MANUAL NO. 32 (FILIPINO EDITION) JULY 2007 Anicia Q. Hurtado at Renato F. Agbayani Aquaculture Department Southeast Asian Fisheries Development Center www.seafdec.org.ph AQUACULTURE EXTENSION MANUAL NO. 32 (FILIPINO EDITION) JULY 2007 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Anicia Q. Hurtado at Renato F. Agbayani Isinalin sa Filipino ni Maria Rowena R. Eguia AQUACULTURE DEPARTMENT SOUTHEAST ASIAN FISHERIES DEVELOPMENT CENTER www.seafdec.org.ph AQUACULTURE EXTENSION MANUAL NO. 32 JULY 2007 ISBN 971 8511-42-3 Nilathala at nilimbag ng Aquaculture Department Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) Tigbauan, Iloilo, Philippines © Copyright 2000, 2007 Aquaculture Department Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) Tigbauan, Iloilo, Philippines RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN Hindi maaaring gamitin o kopyahin ang alinmang bahagi ng aklat na ito sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa may-ari ng copyright o tagalathala For comments and inquiries: Tel Fax E-mail AQD website Training and Information Division SEAFDEC Aquaculture Department Tigbauan, Iloilo 5021, Philippines (63-33) 511 9172, 336 2965 (63-33) 335 1008, 336 2891, 511 9070 aqdchief@aqd.seafdec.org.ph/ http//www.seafdec.org.ph/ PAUNANG SALITA Ang Kappaphycus, isang pulang halamang-dagat na kilala sa tawag na ‘guso’ o ‘tambalang’ ay bahagi ng 80 porsiyento ng kabuuang dami ng halamangdagat na iniluluwas ng Pilipinas sa mga karatig-bansa. Ito rin ay isa sa tatlong pangunahing produktong mula sa dagat na ibinebenta sa labas ng Pilipinas. Kung kaya’t sa industriya ng akwakultura, ang pag-aalaga ng naturang halamangdagat ay nakakapagbigay ng mataas na kita batay sa ipinapasok nitong dolyares sa ating bansa. Maaari rin itong maging alternatibong pangkabuhayan para sa ating mga mangingisda lalo na sa mga nakatira sa timog Mindanao. Sa buong mundo, ang Pilipinas ay ika-apat sa larangan ng pag-aalaga ng halamang-dagat o seaweeds. Ayon sa produksyon noong 1995, nanguna ang Tsina, Timog Korea, at Hapon sa dami ng naaning halamang-dagat. Ang Hilagang Korea at Indonesia naman ang ikalima at ika-anim sa mga bansang kabilang sa nangunguna sa pagpaparami nito. Sa mga karatig-bansa tulad ng Malaysia, mayroon ding isinasagawang pag-aalaga ng Eucheuma samantalang Gracilaria naman ang sa Thailand. Ang tatlong pinakamahalagang produkto mula sa halamang-dagat na ikinakalakal sa Indonesia, Malaysia at Pilipinas ay ang agar, alginate at carrageenan. Ang Indonesia ay malamang tumutok sa pagpoproseso ng alginate dahil ito naman ay may malawak na pamilihan o merkado. Ang Malaysia at Thailand ay malamang magpatuloy sa pag-aangkat ng mga phycocolloids dahil sa kakulangan ng mga malawak na alagaan ng halamang-dagat. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas naman ay mayroon nang tinatawag na industriya sa pagpoproseso ng carrageenan at may potensyal pang lumaganap at dumami ang mga pinoprosesong produkto sa mga darating na taon. Aming inaasahan na ang lathalaing ito ay maging kapaki-pakinabang sa mga bagong negosyante, mga extension workers at mga mag-aaral ng akwakultura sa Pilipinas. Joebert D. Toledo, D. Agr. Chief, SEAFDEC Aquaculture Department NILALAMAN Paunang salita Panimula Kasaysayan ng pag-aalaga ng halamang-dagat Pamilihan at mga pamamaraan ng pagbenta Pagpoproseso Paraan ng paggamit sa mga produkto mula sa halamang-dagat Mga katangian ng halamang-dagat na Kappaphycus alvarezii Pag-aalaga ng Kappaphycus Mga pisikal na panunutunan sa pag-aalaga ng halamang-dagat Mga biolohikal na panuntunan sa pagpili ng angkop na lugar na alagaan Mga ekolohikal na panuntunan sa wastong pagpili ng alagaan Mga hakbang sa pag-aalaga Mga pamamaraan ng pag-aalaga Isahang pag-aalaga (monoculture) Magkahalong pag-aalaga ng sari-saring halaman at isdang dagat (polyculture) Pag-aani, pagmamantine ng mga inaning halamang-dagat at pangangalaga sa kalidad ng naaning halamang-dagat Pag-aani Pagmamantine ng mga hinangong halamang-dagat (post-harvest management) Mga panuntunan sa pagkilatis ng pinakamahusay na uri ng pinatuyong halamang-dagat Mga mahahalagang panuntunan sa pag-aalaga ng halamang-dagat Mga pamamaraan ng pagbenta ng halamang-dagat Mga kunsiderasyon o alintuntuning pang-ekonomiya sa larangan ng pag-aalaga ng halamang-dagat Paunang puhunan sa negosyong paghahalamang-dagat batay sa iba’t ibang pamamaraan ng pag-aalaga Pagsusuri sa puhunang gagamitin at kita na maaaring makamit mula sa paggamit ng iba’t ibang paraan ng paghahalamang-dagat Mga mahahalagang babasahin Pasasalamat Tungkol sa mga may-akda 1 2 3 3 6 6 6 7 10 10 13 13 16 17 17 18 20 20 21 21 22 23 24 26 27 IV Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Panimula KASAYSAYAN NG PAG-AALAGA NG HALAMANG-DAGAT Ang pag-aani at pagluluwas ng mga halamang-dagat na Kappaphycus (unang nakilala sa tawag na Eucheuma) mula sa mga likas na populasyon nito sa karagatan ay nagsimula noong huling bahagi ng dekada 50 at 60. Ang halamang-dagat na ito ay tumutubo at dumarami sa mga mababaw na bahagi ng karagatang malapit sa Jolo, Tawi-Tawi, Cebu at Bohol. Malaki ang pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan sa mga halamang-dagat. Karamihan dito ay mula sa ng mga plantang nagpoproseso ng halamang-dagat sa Hilagang Amerika at Europa kung kaya’t ang maramihan at malawakang pag-ani ng Kappaphycus mula sa dagat ay hindi napigilan. Ang naging masamang epekto nito ay ang mabilisang pangangaunti ng nasabing likas na yaman. Ang nabanggit na pangyayari ay siyang nagbunsod kina yumaong Dr. Maxwell S. Doty ng Pamantasan ng Hawaii at G. Vicente B. Alvarez – parehong tinaguriang ama ng pag-aalaga ng Eucheuma sa Pilipinas – at ni Dr. Gavino C. Trono ng Pamantasan ng Pilipinas (UP) upang magsagawa ng pag-aaral ukol sa nasabing halamang-dagat. Sinaliksik nila ang mga biolohikal at ekolohikal na pangangailangan sa pangangalaga ng mga halamang-dagat bukod sa mga naunang pag-aaral ukol sa pamamaraan ng pag-aalaga nito. Mula 1969 hanggang 1970, nagkaroon ng malawakang paghahanap ng pinakamainam na lugar na pag-aalagaan ng Kappaphycus dahil sa hindi pag-angkat ng Estados Unidos ng carrageenan mula sa Indonesia bunsod ng mga suliraning pampulitikal. Ang hindi pag-angkat ng Estados Unidos sa Indonesia ay nagbigay-daan sa Pilipinas na makapagsimula ng pag-aalaga ng halamangdagat para mapakinabangan ng pamilihan sa Estados Unidos. Naghanap ang FMC Marine Colloids Division (isang kumpanyang nakabase sa Estados Unidos) sa tulong ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ng UP-Marine Science Insitute, ng lugar na mapag-aalagaan ng halamang-dagat. Hindi naman nasayang ang kanilang pagod dahil sa pagkakatatag ng kauna-unahang komersyal na alagaan ng halamang-dagat sa Isla ng Tapaan, Siasi, Jolo noong 1973. Simula noon, ang malawakang pag-aalaga ng halamang-dagat ay naging pangunahing kabuhayan ng mga mangingisda sa Timog Mindanao, lalo’t higit sa Sulu archipelago. Sa kasalukuyan, ang pag-aalaga ng Kappaphycus ay lumaganap sa ibang bahagi ng bansa tulad sa Visayas at Luzon (Fig 1) at sa ibang bansa tulad ng Micronesia, Fiji, Silangang Africa at Tsina. SOUTH CHINA SEA N LUZON PHILIPPINE SEA VISAYAS SULU SEA SULU ARCHIPELAGO – COMMERCIAL CULTIVATION MINDANAO Figure 1. Mga lugar sa Pilipinas na may produksyon ng Kappaphycus PAMILIHAN AT MGA PAMAMARAAN NG PAGBENTA Ang Kappaphycus at Eucheuma ay binebenta ng sariwa o tuyo ngunit ang tuyong halamang-dagat ang siyang higit na hinahanap sa pamilihang lokal at ibayong dagat. Ang sariwang halamang-dagat naman ay naibebenta ng mas mahal dahil ito ay ginagamit sa mga restawran bilang gulay na mula sa dagat. Dahil ang Kappaphycus at Eucheuma ay inaalagaan sa mga malalayong isla kung saan ang paghahango at pag-aangkat ng mga mangingisda ng tuyong halamang-dagat ay mahirap isagawa, ang pangangalakal o trading nito ay naging pangkaraniwang kalakaran sa mga nasabing lugar. Ang mga trader o mangangalakal ay bumibisita na lamang sa mga mangingisda makalipas ng 2 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus unang paghango o harvest at patuloy silang bumibili ng tuyong halamang-dagat hanggang ang pangangailangan ng mga eksporter o mga nagpo-proseso ay sapat. Subalit ang kalakarang ito ay hindi nakakabuti sa mga mangingisda dahil ito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sobrang suplay sa katapusan ng isang siklo ng pag-aalaga at ang mga mangingisda ay napipilitang magbenta ng kanilang produkto sa mas mababang halaga. Sa kabila nito, tinitiis na lamang ng mga mangangalaga ang pabago-bagong presyo ng produkto mula sa kanilang alagaan (o farmgate price). Kung hindi sila nagtiis, ang industriya ng pag-aalaga ng halamang-dagat ay hindi sana lumago sa antas na inabot nito sa kasalukuyan. Ang farmhouse malapit sa lugar na pinagtataniman ng halamang-dagat ay siya ring nagsisilbing tirahan ng mga pamilya ng mga mag-aalaga. Ito rin ay lugar kung saan itinatali ang mga seedling sa palakihan, pinatutuyo ang mga naaaning halamang-dagat at binebenta ang tuyong halamang-dagat. Ito ay malaking bentahe sa mga mag-aalaga kung saan ang tuwiran o direktang pagbebenta ng sariwa o tuyong halamang-dagat sa mga namamakyaw na eksporter o tagapagproseso ay maaari ring isagawa sa bahay malapit sa farm. PAGPOPROSESO May dalawampu’t apat na malalaking taga-proseso ng carrageenan mula sa halamang-dagat. Kulang sa sampu naman ang maliliit na pabrika ang matatagpuan sa pangdaigdigang pamilihan. Ang ilan sa mga ito ay matatagpuan sa Europa (37%), Estados Unidos (23%) at sa Asya-Pasipiko (40%). Ang paraan sa paggawa ng refined carrageenan ay maaaring sa pamamagitan ng prosesong ginagamitan ng alcohol (47%) o gel (35%) samantalang ang semi-refined carrageenan ay pinoproseso sa pamamagitan ng tinatawag na alkali treatment (18%). Ang Europa at Asya-Pasipiko ang gumagawa ng refined at semi-refined carrageenan. PARAAN NG PAGGAMIT SA MGA PRODUKTO MULA SA HALAMANGDAGAT Ang carrageenan ay isang likas na produkto na mula sa Kappaphycus. Marami itong maaaring paggamitan dahil sa mga taglay nitong katangiang pampalapot (thickening), pampalutang (suspending) at pampabuo (gelling). Ang carrageenan ay ginagamit sa: Paghahanda at pagpoproseso ng mga produktong mula sa karne – kung saan ang carrageenan ay nakakatulong sa mga sumusunod: • Pagpigil sa pagkakawala ng tubig o moisture sa karneng baboy habang ito ay nilalagyan ng mga preserbatibo at pampalasa sa paggawa ng hamon at iba pang produkto mula sa karne; pinaiinam nito ang texture ng karne at sliceability o ginhawa sa paghihiwa nito; pinalalambot nito ang mga produktong mula sa karne at pinapanatili nito ang masarap na lasa ng karne Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 3 • Pinaiinam nito ang pagiging malaman at mataba ng karne; pinaiinam din nito ang pagiging stable ng karne kapag ito ay tinutunaw o iniilado, halimbawa ay sa mga produktong tulad ng chicken nuggets at hotdog • Pinatitibay nito ang pagkakabuo ng bawat hibla ng karne at pinapanatili nito ang moisture o tubig sa karne na kailangan sa pagkakaroon nito ng makatas na lasa, halimbawa ay ang sa mga hamburger patties; nagsisilbi rin itong mainam na pamalit sa taba ng karne • Pinahahaba nito ang buhay ng produktong mula sa karne; hindi rin ito nagbibigay ng kakaibang lasa sa karne at hindi rin nito tinatakpan ang natural na lasa ng karne • Pinipigil nito ang pangunguluntoy at pag-urong (shrinkage) ng mga produktong mula sa karne ng manok Mga produktong mula sa gatas at mga panghimagas • Pinaiinam nito ang pagkakahalo ng mga produktong reconstituted, mga pormulasyong pang-dietetiko (dietetic formulations) at ang iba pang iladong pagkaing pinalamig o pinagyelo sa freezer • Pinabibilis nito ang pagtunaw at pagiging stable ng mga pampaputi ng kape • Pinaiinam nito ang pagiging pino at malagatas (creaminess) ng texture at consistency ng sorbetes at iba pang produktong katulad nito • Nagdaragdag ito sa richness, o pagkakabuo ng mga panghimagas na polbo o powder form, mga jam, gatas na may tsokolate, mga panghimagas mula sa gatas at sterilized na gatas Mga inumin tulad ng beer, juice, atbp. • Inaalis nito ang paggiging malabo ng beer at sa halip ito ay nagiging sparkling at malinaw • Pinaiinam nito ang lasa, katatagan o stability sa pagpapalamig at kalidad nito na madaling salain • Pinaiinam nito ang viscosity at tumutulong rin ito sa pag-stabilize ng pagpapalutang ng pulp mula sa katas ng prutas na siyang nagbibigay rito ng mainam na hitsura, lasa at kalidad • Nagdudulot ito ng pare-parehong consistency pati na rin ang mainam na pagdaloy (flowability) at kalidad para sa pangmatagalang pag-iimbak ng mga inuming instant Mga produktong pampaganda at produktong gamit sa pansariling pangangalaga • Pinananatili nito ang pinakamahusay na stability ng toothpaste kahit ito ay i-expose sa iba’t ibang antas ng temperatura; pinaiinam at pinapanatili nito ang hugis, moisture at kalidad ng toothpaste • Nagbibigay ng mainam na porma sa mga gel na ginagamit sa buhok at pinatitibay nito ang pagpapanatili ng ayos ng buhok (holding effect) 4 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus • Nagbibigay ito ng pare-pareho o pantay-pantay na halo sa lotion, cream at shampoo, pinagyayaman nito ang texture, stability at kabuuang mabisang epekto ng mga nabanggit na produkto Mga pakain o feed para sa alagang hayop • Pinaiinam nito ang kapit ng tubig, nagbibigay ng porma at tumutulong ito sa paghihiwalay ng taba sa paggawa ng pakain habang ito ay pinoproseso. • Nagbibigay ito ng mainam na pagkakabuo ng pakain sa loob ng lata kapag ito ay pinroseso • Pinananatili nito ang pantay-pantay na pagkalat ng moisture sa loob ng lata • Pinadadali nito ang pag-alis o pagtaktak ng pakain mula sa hulmahang lata • Nagbibigay ito ng kakaibang kintab sa produkto. • Binabawasan nito ang syneresis o pagkawalay ng tubig o pagkakatas ng produktong mula sa pagkain • Tumutulong ito sa kakayanan ng pakain na magtagal sa mga paketeng kahon o retort packs Mga gel na pampabango ng hangin (air freshener) • Nagbibigay ito ng porma at tumutulong na kontrolin ang pagkawala ng mga aktibong sangkap tulad ng pabango sa isang water gel base Mga sarsa at dressing na sangkap sa salad • Iniiwasan nito ang paghihiwalay ng tubig mula sa sarsa • Binabawasan nito ang matapang na lasa ng mga pampa-anghang (spicy flavor) • Nagbibigay ng tamang consistency • Iniiwasan nito ang pagbaba o pagbuo ng sediment mula sa mga buong sangkap ng isang suspension Tinapay, noodles at pasta • Nagbubuo ito ng gel matrix habang ang mga produktong ito ay niluluto; pinaiinam nito ang pagkapit ng tubig o moisture at nagbibigay ng dagdag na istruktura o porma • Pinaiinam nito ang kakayahan ng noodles at pasta na hindi magkawatakwatak habang ito ay niluluto • Pinatataas nito ang antas ng pagkapit ng tubig sa basing noodle para mapanatili nito ang mataas na timbang • Pinabibilis nito ang labas ng dough sa extruder • Nagbibigay ito ng mataas na kalidad ng kintab sa panlabas na anyo ng noodles Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 5 Mga katangian ng halamang-dagat na Kappaphycus alvarezii May tatlong komersyal na uri ng Kappaphycus na inaalagaan (Fig 2a). Ito ay may iba-ibang katangian. Maaari itong mahaba at maluwag ang pagkakasangasanga na may kaunting di-katulisan o matulis na mga sanga. Ang maninipis na hugis-tubo ang katawan. Ang maliliit na sanga ay hindi regular ang ayos at hindi nagkakaroon ng pormang whorls tulad ng Eucheuma (Fig 2b). Ang Kappaphycus ay lumalaki sa mga reef flats na may magaspang na buhangin at ma-koral na sahig na laging naaanuran ng mahinay na agos ng tubig sa loob ng tropical intertidal at subtidal waters. Figure 2. Kappaphycus alvarezii (a) at Eucheuma denticulatum (b) Pag-aalaga ng Kappaphycus MGA PISIKAL NA PANUNTUNAN SA PAGPAPALAKI NG HALAMANG-DAGAT Light Katabaan o kasaganaan ng lugar na pataniman (site fertility) Haba o ikli ng araw, kalidad ng tubig, agos ng tubig at antas ng temperatura ng tubig ay mahahalagang mga puntos na nakakapagbigay ng impormasyon kung ang lugar na nais pag-alagaan ng halamang-dagat ay mataba at masagana. Ang pag-uugnayan ng mga nabanggit puntos na 6 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Water motion Site fertility Water quality Water temperature Figure 3. Ang pagkakaugnay ng iba’t ibang pisikal na panuntunan sa kaangkupan ng lugar sa pag-aalaga ng Kappaphycus ito ay mahalaga lalo na sa mga unang bahagi ng pag-aalaga (Fig 3). Ito ang magbibigay ng senyales kung magiging matagumpay o hindi ang iyong pagaalaga ng halamang-dagat sa lugar na iyon. Produksyon Habang lumalaon ang pag-aalaga, ang agos ng tubig sa lugar na alagaan ang pinakamahalagang puntos kung saan nakasalalay ang maaasahang dami ng maaaning halamang-dagat at kung mapapanatili nang maayos at kikita ang pagaalaga ng halamang-dagat. MGA BIOLOHIKAL NA PANUNTUNAN SA WASTONG PAGPILI NG ALAGAAN Mga panuntunan o puntos na biolohikal tulad ng mga peste at sakit ay makapagbibigay din ng indikasyon kung ang pag-aalaga ng halamang-dagat ay magtatagumpay o hindi. Pag-alis ng mga hindi kailangang halamang-dagat tulad ng epiphytes at pagpigil sa mga kundisyong nagdudulot ng mga sakit ay mahalaga upang mapanatili ang masaganang ani ng Kappaphycus. Ang kulay ng thallus at ang bilis ng paglaki ay madalas indikasyon ng kalagayang pangkalusugan ng halamang-dagat. Ang mga sumusunod ay ang mga kundisyon ng thallus na maaaring mapansin ng mga mag-aalaga ng halamang-dagat. Nirerekomenda na ang bawat isa ay maging pamilyar dito: • ‘ice-ice’ – pinakapangkaraniwang sintomas ng pagkakasakit ng halamangdagat, ngunit madalas itong tinuturing na sakit na mismo; ang sintomas na ito ay ang pagkakaroon ng mga namumuting bahagi o segmento na natatagpuan sa pagitan ng mga tangkay o sanga, kadalasan sa pinakababang bahagi ng thalli; ang mga palatandaang ito ay kadalasang sanhi ng mababang antas ng alat o salinity ng tubig, temperatura at sikat ng araw, Kung ang halamang-dagat ay nakararanas ng ‘stress’, naglalabas ito ng isang organikong sangkap at ang pagkakaroon ng mga bakterya sa tubig ay nakakapagpalala ng pagputi ng mga sanga nito. • ‘pitting’ – madalas nakikita sa cortical layer ng halamang-dagat. Nagkakaroon ng cavity o butas dito dahil sa pisikal na pagkasira ng mga sanga. Sa kabutihang palad, ang cortical layer ay may kakayahang muling tumubo (regenerative). • ‘tip darkening’ – ito ay dulot ng pagtanda o senescence at ng malamig na tubig na siyang nagiging sanhi ng pagkawala ng kulay at pagkadurog ng mga dulo ng sanga ng halamang-dagat. Sa kabutihang palad, ang mga dulo ng sanga ng halamang-dagat ay muling tumutubo. • ‘tip discoloration’ – ito ay dulot ng pagkalantad sa hangin at ang hindi pagkasanay sa mainit na tubig; may pagpapalit ng kulay nito mula sa likas na kulay sa kulay rosas at may kaakibat din itong paglambot ng mga dulo ng sanga ng halamang-dagat. Hindi nagtatagal at ito ay tuluyang nagiging mapusyaw ang kulay, at sa huli ay nagiging maputi at unti-unting nalulusaw. Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 7 • mabagal na paglaki – madalas ito ay dulot ng (1) paglitaw ng mga epiphytes, (2) pagkakawala ng kulay, (3) paglambot ng mga tisyu, (4) pagkabulok, (5) di-angkop na panahon (poor season) para sa pag-aalaga at (6) di-tamang pagpili sa lugar na alagaan • ‘die-off’ o unti-unting pagkamatay o pagkalanta – sa una ay nakikita mula sa pag-iiba ng kulay na madalas dulot ng pag-agos ng tubig-tabang sa lugar ng pinag-aalagaan Pangangaunti o pagkawala ng halamang-dagat sanhi ng mga hayop na nanginginain (grazers) nito Ang panginginain ng mga mapaminsalang hayop sa mga alagaan ng halamangdagat ay nagdudulot ng matinding pinsala at maaaring makasira ng isang buong pataniman. May dalawang uri ng mga hayop na nanginginain ng halamang-dagat: Micrograzers – ito ay mga hayop na may haba na hindi lalagpas ng 2 sentimetro ang haba. Maaari itong mamahay sa thallus ng halamang-dagat at ubusin ang mga materyales na bumubuo ng thallus (halimbawa ng mga hayop na ito ay ang mga nematodes at mga planktonic echinoderms) Figure 4. Ang planktonic form ng sea urchin Tripneustes ay isang uri ng micrograzer Ang mga planktonic form ng sea urchin o terek (Tripneustes) (Fig 4) at ang synaptid (Ophiodesma) ay maaaring maglagi sa halamang-dagat. Habang lumalaki ang sea urchin (sa laking makikita na ng ating mga mata), nanginginain na ito sa thallus at nag-iiwan ito ng butas sa gitna ng thallus. Lumalala ang panginginain kapag lumaki pa nang husto ang sea urchin. Kapag ito ay nangyari, tiyak na mangangaunti ang halamang-dagat na inaalagaan at posibleng maani. 8 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus b a c e d f Figure 5. Mga uri ng macrograzers: (a) butete, (b) labahita o surgeonfish, (c) danggit o rabbitfish, (d) starfish, (e) adult na sea urchin, at (f) parrotfish Ang synaptid naman, sa umpisa ay isang net plankter. Kapag lumaki ito ay mas nakikita ito bilang isang kulay rosas na hayop na natatagpuan sa pagitan ng mga thalli. Ang hayop na ito ay kawangis ng isang ahas, habang ito ay lumalaki, isinusubo nito ang mga dulo ng halamang-dagat sa kanyang “bibig” kung kaya’t unti-unting naglalaho ang halamang-dagat. Macrograzers (Fig 5) ay mga malalaking hayop na mahigit sa 5 sentimetro ang haba (halimbawa, echinoderms at mga isda) Ang pangkaraniwang sea star (Protoreaster nodusus) ay umaakyat sa halamang-dagat sa mga lugar na maraming micro-algae o mikroskopikong halamang-dagat (algae o lumut), sa ilalim ng dagat. Kapag natagpuan na nito ang halamang-dagat na nais nitong kainin, tinatakpan nito ang kanyang tiyan sa ibabaw ng mga sanga na nagiging sanhi ng agarang pagkamatay ng mga natakpang sanga. Ito ay isang malaking kawalan sa mga alagaing Kappaphycus dahil sa pagkabali ng mga sanga nito at mismong pagkaubos nito. Kahit ang sea star ay peste, ang ugali nitong paghahanap ng pagkain at panginginain ay nagaganap lamang malapit o sa loob ng mga komunidad ng seagrass (Enhalus acoroides o Thalassia hemprichii). Ang sea urchin na Diadema o Echinothrix ay madalas nagkukumpulan bilang isang kolonya o colony na siya namang nagiging sanhi ng pinsala sa mga mangingisda na pilit na nag-aalis ng mga pesteng ito. Ang sea urchin ay may katumbas na pinag-isang epekto ng Tripneustes at Protoreaster. Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 9 Ang danggit (siganids), puffers (Tetraodontidae), surgeonfish (Acanthuridae) at parrotfish ay mga pangkaraniwang macrograzers. Ang maliliit na danggit (juveniles) ay kadalasang lumalangoy nang sabay-sabay at kumpul-kumpol. Sinusuyod nila ang mga diatom na nakadikit sa gilid ng mga damong dagat o seagrasses. Habang sila ay lumalaki, kinakain nila ang Kappaphycus na matatagpuan sa komunidad ng damong dagat. Tinatanggal naman ng mga danggit ang cortex na karaniwang mapula hanggang mala-luntian o kulay lupa at nag-iiwan ng buhay pang puting skeleton na siyang tinatawag na sintomas na ‘ice-ice’. Ang halamang-dagat ay nawawala o nadudurog makalipas ng ilang araw. Habang lumalaki ang danggit o ang mga acanthurid, kinakain nila ang mga tangkay ng halamang-dagat mula sa dulo nito hanggang sa abutin nito ang tinatawag na diametro o hangganan na hindi na maaaring galawin at kainin o inhibiting diameter. Kung hindi lubos na nakain ang halamang-dagat, maaari itong muling umusbong sa mas bata at mas bagong mga sanga. Maaaring mabawasan ang panginginain ng mga macrograzers sa halamang-dagat kung ang alagaan ay napapalibutan ng mga lambat at nababantayan ng tao. MGA EKOLOHIKAL NA PANUNTUNAN SA WASTONG PAGPILI NG ALAGAAN • malayo sa daluyan ng tubig tabang • malinis at malinaw ang tubig • >30 ppt ang alat • 20-40 m/min ang galaw ng tubig • >30 cm ang lalim ng tubig lalo sa pinakamababang tide • kubli at protektadong lagoon ‘bay’ MGA HAKBANG SA PAG-AALAGA Paghahanda ng mga gamit sa pagtatanim Lubid na patubuan (cultivation rope) (Fig 6) – alinman sa mga sumusunod na materyales: • monofilament #110 test lbs • lubid na polyethylene o polyethylene rope (PER) #6-7 • flat binder a b Mga materyales na panali (Fig 7) • malambot na plastic na lubid (soft plastic rope o ‘tie-tie’) • monofilament #160 test lbs Figure 6. Mga lubid na gamit sa pagtatanim c 10 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus ab Figure 7. Mga gamit pantali: soft plastic rope (a) at monofilament (b) ab c de Figure 8. Mga materyales na pangsuporta: (a) kawayan, (b) poste ng kahoy mula sa bakawan, (c) bakal, (d) lubid na polypropylene, at (e) polyethylene Mga materyales na pangsuporta (Fig 8) • kawayan • poste ng kahoy mula sa bakawan • bakal o steel bar • lubid na polyethylene o polyethylene rope #12 • lubid na polypropylene #14 Palutang or floaters (Fig 9) • styrofoam (kwadrado o bilog ang hugis) • mga boteng plastik na walang laman ➡ ‘Seedlings’ 100-150 g bawat cutting o putol ng sanga Figure 9. Palutang na gawa sa styrofoam sa pamilihang-bayan Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 11 Paghahanda ng ‘seedlings’ • pagpipili ng mga sangang mura o bata pa, sa pamamagitan ng isang matalas na kutsilyo (Fig 10) • isa-isang pagtali ng halaman sa pamamagitan ng malabot na lubid (soft plastic rope) • pagbabad ng halaman sa tubig alat upang maiwasan ang panunuyo Pagkabit ng ‘monoline’ (isahang linya ng pataniman), balsang kawayan at mga tulos (o stakes) • nakapirmi at angat sa ilalim na linyang pataniman o fixed off-bottom long line – ang mga tulos ay pirmihang itinusok sa lupa sa ilalim ng dagat sa pamamagitan ng malaking martilyo o bull hammer a b c Figure 10. Ang mga seedling ay (a) pinipili, (b, c) isa-isang tinatali, at (d) ikinakabit sa cultivation rope d Figure 11. Pagkakabit sa mga tulos 12 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Mga pamamaraan ng pag-aalaga ISAHANG PAG-AALAGA (MONOCULTURE) Nakapirmi at angat sa ilalim o fixed off-bottom (Fig 12) o mas kilala sa tawag na “parsadas.” Ang lugar na alagaan ay may mga susunod na katangian: • mababaw na bahagi ng tubig dagat • may seagrass bed • mabuhangin at ma-koral na lupa sa ilalim ng dagat • pagkakaroon ng iba pang uri ng halamang-dagat bilang indikasyon ng kainaman ng lugar na gawing palakihan ng mga halamang-dagat • malinis na tubig na may kaunting silica Figure 12. Pag-aalaga gamit ang fixed off-bottom na pamamaraan Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 13 May dalawang paraan upang makumpleto ang nasabing pamamaraan: 1 itali muna ang mga ‘seedling’ sa pamamagitan ng malambot na plastik na ‘tie-tie’ sa pagitan ng mga sanga (basal branches). Itali ito sa lubid na patubuan (cultivation rope) habang nasa lupa sa tabing dagat, tapos itali ito sa mga tulos na nasa lugar na alagaan o farming site. 2 ang magkabilang dulo ng lubid patubuan o alagaan (cultivation rope) ay nakatali sa mga tulos na nauna nang itinayo sa lugar na alagaan. Matapos nito, isa-isang itali ang mga ‘seedlings’ (15-20 cm ang layo mula sa isa’t isa) sa lubid na alagaan (na may habang 10-20 m). Mainam na isagawa ito kapag mababa ang antas ng tubig o low tide. Isahang patubuang pabalsa o raft long-line (single) Ang isang piraso ng pabalsa o ang raft long line ay binubuo ng apat na pirasong kawayan na nakaayos na pa-kwadrado (Fig 13). Maaaring ikabit muna ang balsa sa lugar ng alagaan at pagkatapos nito ay itali ang mga seedlings. Maari ring ikabit muna ang mga seedling sa balsa na kawayan habang nasa tabing dagat. Kapag naikabit na ang lahat ay hilahin ito patungo sa lugar na alagaan. Ang paghahanda ng seedling ay katulad ng paraan ng paghahanda sa fixed offbottom na sistema. Figure 13. Isahang patubuang pabalsa 14 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Maramihang patubuang pabalsa o raft long-line (multiple) Ito ay mas kilala sa tawag na ‘alul’ (Fig 14). Kahit halos lahat ng bottom type na sistema ng pataniman ay mainam, ang mga sumusunod na katangian ay nararapat para sa napiling lugar: • may katamtaman hanggang sa malakas na galaw ng tubig • kubli o protektado mula sa malalakas na alon • may mainam at matibay na lugar na kakapitan ng balsa • may malalim na tubig (mahigit 10 m ang lalim) Figure 14. Maramihang patubuang pabalsa Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 15 Pito hanggang sampung pirasong kawayan (10-12 cm diametro, 7-10 m ang haba) ay nakaayos na pahilera at nakakabit sa bawat isa sa pamamagitan ng mga flat na binder kung saan itinatali ang mga seedling. Ang mga lubid-panaling patubuan na natatagpuan sa gilid ng balsa ay binubuo ng 4-5 pirasong flat binder samantalang ang iba ay kadalasang dinodoble. Ang magkabilang dulo ng buong istruktura o set-up ay nakakabit o nakatali sa ilalim ng tubig sa pamamagitan ng 5-6 na piraso ng panaling polypropylene (#14) sa pamamagitan ng paggamit ng 2 bakal na bareta sa bawat panali na pang-‘anchor’. Depende sa bilis ng galaw ng alon ng tubig, ang lahat ng gilid ng buong set-up ay sinusuportahan din ng mga panaling pang-‘anchor’ at ng mga bakal na bareta. Ang sukat ng isang balsang pangmaramihan o multiple raft ay karaniwang 50-70 m ang haba. Ang bilog na styrofoam na palutang (30 cm diametro) ay itinatali sa gitna ng bawat hadlang ng panali na pataniman makalipas ng dalawang lingo. Ito ay upang mapanatili ang mga halamang-dagat sa pirmihang lalim (25-30) mula sa ibabaw ng tubig. Hanging long line Ginagamit ito sa mga bukas o nakalantad na lugar sa malalim na bahagi ng tubig dagat (5-10 m) kung saan may katamtaman hanggang sa malakas na galaw ng tubig. Dapat lang ay magkaroon ito ng matibay na sistema na susuporta sa kabuuang struktura. Maraming pagbabago sa paraan ng pag-aalaga gamit ang nasabing sistema at ang mga ito ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga gamit na mabibili sa mga karatig pook. • single hanging long line – isang panaling patubuan (cultivation line) lamang ang nakakabit sa tubig sa pamamagitan ng kawayan o tulos • multiple hanging long line (Fig 15) – ang magkabilang dulo ng mga panaling patubuan na nakaayos na magkakaagapay o pahilera ay nakatali sa mga panaling pansuporta na nakapirmi o naka-‘anchor’ sa ilalim ng tubig sa pamamagitan ng isang blokeng kongkreto. Maari din na ang magkabilang dulo ng mga panaling patubuan ay isa-isang nakatali sa kawayan na nakaposisyon na pasalungat o perpendicular sa mga tulos na pang-‘anchor’ MAGKAHALONG PAG-AALAGA NG SARI-SARING HALAMAN AT ISDANG-DAGAT (POLYCULTURE) • Isinasagawa ang sama-samang pag-aalaga sa mga kulungang lambat ng mga isdang-alat tulad ng lapu-lapu, snapper o seabass (apahap); dito ang mga isda ang mga pangunahing uri ng lamang-dagat na inaalagaan • Ang halamang-dagat ang siyang pangalawang uri ng lamang-dagat na inaalagaan sa isang pabalsang sistema o raft long line sa loob ng kulungang lambat • Ang pagkakaroon ng symbiotic relationship sa pagitan ng isda at halamangdagat ay kinikilala: – ang isda ang nagbibigay ng mga karagdagang sustansya sa pamamagitan ng mga pakain na tira at sa dumi ng isda – ang halamang-dagat ang nagbibigay ng kublihan at silungan sa isda 16 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Figure 15. Hanging long line Pag-aani, pagmamantine at pangangalaga sa kalidad ng halamang-dagat PAG-AANI Ang halamang-dagat ay inaani at pinatutuyo makalipas ng 45-60 araw ng pag-aalaga. Ang buong halaman ay maaring hanguin sa mga sumusunod na pamamaraan: • ang bawat isang halaman ay kinakalag sa pagkakatali o ginugupit sa pagkakatali, mula sa panaling patubuan – karaniwan itong isinasagawa kung ang gamit na sistema o uri ay ang multiple raft long line o ‘alul’ at ang hanging long-line • ang bawat dulo ng panaling pananiman ay kinakalag mula sa mga tulos– ito ay isinasagawa sa fixed off-bottom o sistemang ‘parasdas’ at minsan sa sistemang hanging long-line • ang isang buong balsa na yari sa kawayan (bamboo raft) ay dinadala sa tabing-dagat at doon kinakalag ang mga tali upang mahango ang halamangdagat o hindi kaya ay isa-isang ginugupit sa pagkakatali ang mga halaman Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 17 PAGMAMANTINE NG MGA HINANGONG HALAMANG-DAGAT (POST-HARVEST MANAGEMENT) Paglilinis – linisin ang mga bagong hangong halamang-dagat para mapanatili ang mahusay na kalidad nito. Alisin ang mga sumusunod: • ang mga halamang-dagat na hindi Kappaphycus • buhangin • plastik o ‘tie-tie’ • mga bato • kahoy • iba pang mga dumi na nakakakapit sa hangong halamang-dagat Pagpapatuyo ng mga hinangong halamang-dagat – may dalawang pamamaraan ng pagpapatuyo ng hinangong halamang-dagat (Fig 16): • ground level o pagpapatuyo sa lupa– ang mga ‘mat’, lambat o dahon ng puno ng niyog ay maaaring gamitin; ang palagiang pagbiling ng halamangdagat ay makapagpapabilis ng pagpapatuyo nito • off-ground level o pagpapatuyo na naka-angat mula sa lupa – papag o mga nakabitin na panali; itong sistema ng pagpapatuyo ay nakapagpapabilis ng pagpapatuyo ng halamang-dagat dahil ang ilalim ng patuyuan ay nahahanginan din a bc Figure 16. Mga paraan sa paagpapatuyo: (a) sa lupa, (b) nakaangat sa lupa gamit ang platform at (c) nakabiting sampayan 18 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Mga bagay na dapat gawin kapag nagpapatuyo • patuyuin agad ang mga halamang-dagat matapos itong hanguin mula sa tubig at linisin • panatilihing malinis ang halamang-dagat • patuyuin sa araw ang halamang-dagat sa loob ng 2-3 araw • panatilihin ang moisture content o lamang tubig ng halamang-dagat sa antas na 35-39% Mga bagay na hindi dapat gawin sa paunang pagpapatuyo o initial drying • huwag hayaang mahalo sa buhangin, dumi at alikabok • iwasan singawan ng init ng tubig ang halamang-dagat dahil nagdudulot ito ng mabilisang pagkabulok ng ‘carrageenan’ • iwasan ang pagkahalo sa tubig-tabang upang hindi mabawasan ang taglay nitong alat, hindi agad mabulok ang ‘carrageenan’ at upang hindi mabawasan ang storage stability o katatagan nito habang ito ay nakaimbak. Ang taglay na tubig o moisture content ng halamang-dagat ay mahalaga. Dito nakasalalay ang itatakdang halaga o presyo ng nasabing halamang-dagat sa pamilihan. Nakalista sa ibaba ang mga antas ng moisture content upang higit na maunawaan ng mga mangangalaga ang kahalagahan nito sa kalidad ng kanilang hinangong halamang-dagat: Taglay na tubig o moisture content (%) 35-39 > 40 25-35 15-25 <15 Kundisyon ng halamang-dagat Stable o matatag Maaaring mabulok sa imbakan Medyo matatag sa loob ng mahigit 12 buwan (mainam na antas kung gustong itali ng bulto-bulto o maramihan ang halamang-dagat) Higit na matatag; maaaring maging malutong ang thalli, kinokontra nito ang pressure o mabilisang pagbubulto Matatag ngunit maaaring magdulot ng mga problema sa pagpoproseso Pag-iimbak (Fig 17) – ang tuyong halamang-dagat ay dapat iimbak sa loob ng maikling panahon sa loob ng isang malinis, tuyo at mahangin o well-ventilated na lugar; huwag iimbak na magkakasalansan ang halamang-dagat na basa; ang mga halamang-dagat na magkakahiwalay na iniimbak ay nagkakaroon ng taglay na tubig o moisture. Baling o pagbubulto – mainam lalo sa maramihang paghango ng halamangdagat upang iluwas ng bansa dahil madali itong hawakan at ang gastos sa pagbibiyahe ay mas mababa. Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 19 Figure 17. Pag-iimbak ng pinatuyong halamang-dagat MGA PANUNTUNAN SA PAGKILATIS NG PINAKAMAHUSAY NA URI NG PINATUYONG HALAMANG-DAGAT Ang pinakamainam na uri ng pinatuyong halamang-dagat ay may 35% (30-39%) na taglay na tubig o moisture content. Mabilisan itong pinatuyo, isinilong mula sa ulan at ibiniyahe sa loob lamang ng ilang araw patungo sa mga nagpoproseso. Ang presyo ng tuyong halamang-dagat ay nakasalalay sa kainaman ng mga paraan ng pag-aalaga, pagpapatuyo at pag-iimbak ng isinagawa ng tagapagalaga. Mas mahal ang halamang-dagat kung mas maliit ang porsiyento ng pagliit nito sa loob ng oras na dalhin ang halamang-dagat sa mga lugar kung saan ito pinopoproseso. Karaniwang nagbibigay ng insentibo sa mga mangangalaga na sumusunod sa mainam na pamantayan ng hinangong halamang-dagat (postharvest management). Ngunit kung ang ibiniyahe o iniluwas na pinatuyong halamang-dagat ay mayroon pa ring taglay na tubig (moisture content) na mahigit sa 39% at may mga dumi, buhangin atbp., may kaukulang bawas sa halaga o presyo nito. Mga mahahalagang panuntunan sa pag-aalaga ng halamang-dagat Upang makasiguro na matagumpay ang pag-aalaga ng Kappaphycus, maaaring sundin ang mga susunod na panuntunan: Paggamit ng mainam na kalidad ng ‘seedlings’ na may taglay na mga sumusunod na katangian: • mga batang sanga na may matulis na mga dulo • walang senyales ng ‘ice-ice’ o pamumuti ng thallus • malutong at makintab na mga sanga • maliliit na seedling (100-150 g) 20 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Madalas na pagbisita (periodic visitation) 2-3 beses kada linggo • pag-aalis ng mga di-kailangang ibang uri ng halamang-dagat at mga shell (barnacles) • pag-alis ng mga nakadikit na mga buhangin at iba pang dumi • paghigpit o pag-aayos ng pagkakatali ng mga maluwag o nakalas na mga alagaing halamang-dagat at maluwag na pagkakatali ng mga lubid o maluwag na pagkakatulos ng mga kawayan. Kung may senyales ng pagkakaroon ng sakit na ‘ice-ice’ • hanguin lahat ng mga halamang-dagat at gumamit ng mga bagong seedling • palitan ang paraan ng pag-aalaga o lumipat ng lugar na alagaan • gumamit ng mas kaunting dami ng seedling sa bawat alagaan Mga pamamaraan ng pagbenta o pangangalakal Ang paraan ng pagbebenta ng mga tuyong halamang-dagat ay nakasalalay nang husto sa pagiging malapit ng mga lugar na alagaan sa pinaka-isla kung saan naroroon ang mga mangangalakal. Ang mga paraan ng pangangalakal na sinusunod sa kasalukuyan ay ang mga sumusunod: Mag-aalaga→tagasalansan→ mangangalakal→ tagapagproseso o tagapag-angkat Mag-aalaga→mangangalakal →tagapagproseso o tagapag-angkat Mag-aalaga→tagapagproseso o tagapag-angkat MGA KUNSIDERASYON O ALITUNTUNING PANG-EKONOMIYA SA LARANGAN NG PAG-AALAGA NG HALAMANG-DAGAT Malaki ang kita sa pag-aalaga ng halamang-dagat kahit pa iba-iba ang mga pamamaraan ng pangangalaga dito. Ang return on investment (ROI) o balik mula sa paunang puhunan ay 115% sa single raft long line culture hanggang sa 984% para sa paraang fixed off-bottom. Ang mababang halaga ng puhunan at ang maramihang produkto mula sa paraang fixed off-bottom ay ang mga bagay na maaaring makapagdulot ng mataas na balik ng puhunan o ROI. Sa lahat ng mga pamamaraan ng pag-aalaga, kayang bayaran ang gastos sa pansuweldo sa mga manggagawa o laborer na mula sa pamilya (family labor) na unang isinama bilang non-cash expense (o gastos na hindi maaaring ituring na gastos na pera) sa pagkuwenta ng cost-and-return. Ang multiple raft long line ay karaniwang ginagawa sa open sea farming o pangangalaga sa kalawakan ng dagat. Dito, kinakailangan ang mas matibay na mga gamit tulad ng baretang bakal, lubid na propylene at mahusay na mga palutang. Bukod rito, kailangan din ng isang bangkang de-motor sa mga alagaaang nasa kalawakan ng dagat kung kaya’t mas malaki ang puhunang nagagamit dito. Ang balik ng puhunan o ROI sa paraang multiple raft longline ay maaari pang lumaki o tumaas sa pamamagitan ng pagpapalawak ng sakop ng alagaan kahit hindi tumaas ang gastos na pangsuweldo ng mga manggagawa. Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 21 Ang pag-aalaga ng halamang-dagat ay isang negosyong pampamilya na malaki ang maaaring kitain. Mainam itong alternatibong hanapbuhay sa mga pamilya ng mga mangingisda upang mabawasan ang kanilang palagiang pag-asa sa pangingisda lamang bilang natatanging pinagkakakitaan o ikinabubuhay. Paunang puhunan sa negosyong paghahalamang-dagat batay sa iba’t ibang pamamaraan ng pag-aalaga A. Panimulang puhunan Bangkang de-motor* Bangkang walang motor Balsang kawayan Buong kawayan Monoline Lubid na polyethylene Lubid na polypropylene Binder na flat Fixed off-bottoma (ha-1) Single raft long lineb (ha-1) Multiple raft long lineC (500m-2) Halaga Economic life Pagbaba ng halaga o depreciation Hanging long lined (ha-1) 5,000 2,500 2,000 2,880 1,000 7,500 6,824 18,529 600 3,375 4,400 7 714 5 576 2,500 1,000 9,920 3 1,125 3 1,467 Monofilament cord 1,750 3 583 Tulos 260 224 baretang bakal 1,200 5 240 Mga gamit o tools 100 Palutang 1,288 2 644 3,365 Bull hammer 200 5 40 Kabuuang halaga 11,260 28,053 20,093 5,389 17,009 B. Working capital 7,490 28,704 29,183 8,455 C. kabuuang puhunan 18,750 56,757 49,276 25,464 aHango sa pag-aaral ni Hurtado-Ponce et al 1996, bSamonte et al 1993, cHurtado and Agbayani 2000, at dHurtado-Ponce et al 1996. *Ang bangkang de-motor ay nagkakahalaga ng P25,000. Para sa isang 500m2 na alagaan, P1,250 ang halaga na nakatalaga. Ang bangkang walang motor ay nagkakahalaga ng P8,000. Para naman sa isang 500 m2 na alagaan, P400 and halagang nakatalaga 22 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Pagsusuri sa puhunang gagamitin at kita na maaaring makamit mula sa paggamit ng iba’t ibang paraan ng paghahalamang-dagat Fixed offbottoma (ha-1) Single raft long lineb (ha-1) Hanging longlined (ha-1) Multiple raft long linec (500m2 lamang) UNANG ANI PARA SA LIMANG ANI Produksyon, kg (tuyong timbang) 9,300 7,647 7,150 Dami (kg 7:1, dwt/ani) 2,314 Kita (PhP) 69,750 52,731 63,625 Kita (PhP, 23/kg, 5 ani/taon) 266,110 Gastos sa pagpapatakbo ng negosyo Gastos sa pagpapatakbo ng negosyo Cash: Cash: Seedling 4,900 16,595 5,800 Seedling (PhP 2-3kg) 16,000 Patrabaho: pagkakabit 1,300 3,200 1,120 Malambot na ‘tie-tie’ 250 Pagtatali ng seedling 390 335 kawayan 280 Mga kawayan Gasoline, langis at Plastic strip 900 6,300 1,200 Pagmamantine ng mga makina 4,600 Gastos sa interes (12%) 2,250 6,811 3,056 Patrabaho Sub-total 9,740 32,905 11,510 Pagtatali ng seedling 2,000 Gastos na hindi matutumbasan ng pera Pagkakabit ng raft 2,400 Pagtratrabaho ng kapamilya 1,800 7,040 1,800 Paghahango o pag-aani 1,000 Pagbaba ng halaga dahil sa tagal ng gamito depreciation 1,498 6,713 1,350 Mga iba pang gastos 2,653 Sub-total 3,298 13,753 3,150 (% seedling, malambot na tie-tie, PANGALAWA AT PANGATLONG ANI Kawayan, gasoline, langis at Produksyon (kg) 18,600 14,061 Pagmamantine ng motor 29,183 Kita 139,500 105,462 107,250 Sub-total Gastos sa pagpapatakbo ng negosyo Cash: Gastos na hindi matutumbasan ng pera 1,500 Seedling 0 0 0 Pagtratrabaho ng kapamilya at paghahanda Patrabaho: pagkakabit 2,600 6,400 2,240 Ng mga seedling/ pagpapatuyo 1,078 Pagtatali 780 0 670 Pagbaba ng halaga 2,578 Mga kawayan Sub-total Pag-aani Materyales: ‘tie-tie 1,800 12,600 2,400 Sub-total 5,180 19,000 5,310 Gastos na hindi matutumbasan ng pera Pagtratrabaho ng kapamilya (paghahango) 3,600 14,080 3,600 Pagbaba ng halaga 2,996 13,426 4,051 Sub-total 6,596 27,506 7,651 Kabuuang gastos bawat operasyon 31,761 Kabuuang gastos 24,814 93,164 27,621 Kabuuang gastos sa isang taon 158,804 Net income bago patawan ng buwis 184,436 65,028 143,253 Kabuuang kita bago kaltasin ang para sa buwis (5 ani) 107,306 Kabuuang gastos sa pagpoprodyus 1.12 0.23 0.26 Balik-puhunan ROI(%) 984% 115% 563% ROI 218% Payback period (Taon) 0.10 0.72 0.17 Payback period 0.437 aHango sa mga lathalain ni Hurtado-Ponce et al 1996, bSamonte at al 1993, cHurtado and Agbayani 2000, dHurtado-Ponce et al 1996 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 23 Mga mahahalagang babasahin Barraca R. 1990. Agronomy Protocol. In: Proceedings of the Regional Workshop on Seaweed Culture and Marketing, T Adams and R Foscarini (eds), South Pacific Aquaculture Dev. Proj. and Food and Agriculture Organization of the United Nations, GCP/RAS/116/JPN. 34-47 Blakemore WR. 1990. In: Post-harvest treatment and quality control of Eucheuma seaweeds. Proceedings of the Regional Workshop on Seaweed Culture and Marketing, T Adams and R Foscarini (eds), South Pacific Aquaculture Dev. Proj. and Food and Agriculture Organization of the United Nations, GCP/RASI1 16/JPN. 48-52 Doty MS. 1973. Farming the red seaweed, Eucheuma, for carrageenans. Micronesica 9: 59-73 Doty MS. 1986. The production and use of Eucheuma. In: Case Studies of Seven Commercial Seaweed Resources, MS Doty, JF Caddy, and B Santelices (eds). FAO Fish Tech. Pap. 282: 123-164 Hurtado AQ and RF Agbayani. 2000. Deep-sea farming of Kappaphycus alvarezii using multiple raft long line. AQUA 200 Conference, May 2-6, Nice, France (abstract only) Hurtado-Ponce AQ. 1992. Cage culture of Kappaphycus alvarezii (Doty) Doty (Gigartinales, Rhodophyceaew). J. Appl. Phycol. 4: 110-113 Hurtado-Ponce AQ. 1994. Cage culture of Kappaphycus alvarezii (Doty) Doty and Epinephelus sp. Proc. National Symposium in Mar. Sci. 2: 103-108 Hurtado-Ponce AQ, RF Agbayani, and EAJ Chavoso. 1996. Economics of cultivating Kappaphycus alvarezii using fixed off-bottom line and hanging long-line methods in Panagatan Cays, Caluya, Antique, Philippines. J. Appl. Phycol. 8: 105-109 Largo DB, K Fukami, T Nishijima and M Ohno. 1995. Laboratoryinduced development of the ‘ice-ice’ disease of the farmed red algae Kappaphycus alvarezii and Eucheuma denticulatum (Solieriaceae, Gigartinales, Rhodophyta). J. Appl. Phycol. 7: 539-543 Luxton DM. 1993. Aspects of the farming and processing of Kappaphycus and Euchema in Indonesia. Hydrobiologia 200/261: 365-371 Luxton MD and PM Luxton. 1999. Development of commercial production in the Fine Islands, Central Pacific. Hydrobiologia 398/399: 477-486 Lirasan TP Twide. 1993. Farming Eucheuma in Zanzibar, Tanzania. Hydrobiologia 260/261: 353-355 Luxton DM, M Robertson, and MJ Kindley. 1987. Farming Eucheuma in the south Pacific islands of Fiji. Proc. Internat. Seaweed Symp. 12: 359-362 Marcel Trading Corporation. Undated. Marcel Carrageenan, the natural food ingredient. Unpubl. 24 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus MCPI Corporation. Undated. Natural Carrageenan. Unpubl. Parker HS. 1974. The culture of the red algal Eucheuma in the Philippines. Aquaculture 3: 425-439 Qian PY, CY Wu, M Wu, YK Xie. 1996. Integrated cultivation of the red alga Kappaphycus alvarezii and the pearl oyster Pinctada martensi. Aquaculture 147: 21-35 Samonte GPB, AQ Hurtado-Ponce, R Caturao. 1993. Economic analysis of bottom line and raft monoline culture of Kappaphycus alvarezii var. tambalang, in Western Visayas, Philippines. Aquaculture, 110: 1-11 Shemberg Marketing Corporation. Undated. The Carrageenan Specialists. Unpubl. Trono GC Jr. 1993. Eucheuma and Kappaphycus: Taxonomy and cultivation. In: Seaweed Cultivation and Maine Ranching, M Ohno and A Critchley (eds). JICA, 75-88 Trono GC Jr and ET Ganzon-Fortes. 1989. Ang Paglinang ng Eucheuma (Eucheuma Farming). Seaweed Information Center (SICEN), Marine Science Institute, University of the Philippines, Diliman, Quezon City. 1-57 Wu C, J Li, E Xia, Z Peng, S Tan, J Li, Z Wen, X Huang, Z Cai, and G Chen. 1989. On the transplantation and cultivation of Kappaphycus alvarezii in China. Chin. J. Oceanol. Limnol. 7: 327-334 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 25 Pasasalamat Nais pasalamatan ng mga may-akda ang ilang mga tao na nakatulong nang malaki sa pagbuo ng lathalaing ito. Sa Omar General Trading Co., Zamboanga City, pinamumunuan ni Hadji Adam Omar at Had-ja Saada at kanilang mga tauhan sa pagpapahintulot sa amin na mabisita ng kanilang alagaan sa Tictauan Is., sa kanilang patuyuan at imbakan; kay Kagawad Hadji Arasad Hajan at Antonio M. Buscas ng Taluksangay at Maasin, Zamboanga City, at sa kanilang pasensiya sa pagtulong sa amin sa pakikipagpanayam sa mga mag-aalaga ng mga halamang-dagat; kay Ador at Akay del Rosario sa pagbibigay sa amin ng lugar na matutuluyan sa aming pagbisita sa mga magtatanim ng halamangdagat sa Panagatan; sa staff ng MCPI Danajon Reef seaweed farm para sa kanilang walang sawang kooperasyon sa pagbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa pag-aalaga ng halamang-dagat; kay Regional Director Sunny Tindick ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) at sa kanyang mga tauhan sa Tawi-Tawi sa kanilang mahalagang pagtulong; kay Isidro Tendencia at Romeo Buendia sa kanilang galing sa pagkuha ng litrato; kay Gng. Maria Rowena Eguia sa kanyang pagsalin ng manwal na ito sa wikang Filipino; at sa libo-libong mag-aalaga ng seaweeds sa buong Pilipinas na siyang nagbigay sa amin ng inspirasyon sa pagsulat ng lathalaing ito at nagturo sa amin na may kaligayahan at katuparan sa pagtatanim ng seaweeds. 26 Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus Tungkol sa mga may-akda Si Dr. Hurtado ay Project Leader ng Seaweed Strain Improvement Program ng Research Division ng SEAFDEC/AQD. Siya ay naging kawani ng SEAFDEC noong May 1988. Siya ay nagtapos ng dalawang kurso sa BS (BS pre-Medicine 1970 at Biological Sciences 1971) mula sa University of the East, Manila, Philippines at dalawa ring masters Anicia Q. Hurtado degrees (Master of Arts in Biology Education 1980 mula sa De la Salle University, Manila, Philippines at Master in Agriculture (1985) mula sa Kyoto University, Kyoto, Japan). Nakamit niya ang kanyang Doctorate in Agriculture mula sa Kyoto University, Kyoto, Japan noong 1988. Ang kanyang masters at doctorate degrees sa Kyoto University ay tinustusan sa pamamagitan ng mga scholarship mula sa MONBUSHO program ng Pamahalaan ng Japan. Siya ay nagsilbing Project Leader ng Seaweed unit mula 1988, pinamunuan niya ang pagsasagawa ng mga pag-aaral ukol sa biolohiya at ekolohiya, pag-aalaga at pagkilala ng colloid ng Gracilaria, Kappaphycus at Eucheuma. Siya ay aktibong kasapi ng Coastal Resource Management program ng SEAFDEC. Marami na siyang nailathalang mga scientific papers sa iba ibang local at pandaigdigang mga journal. Si Ginoong Agbayani ay Puno ng Training and Information Division ng SEAFDEC/AQD. Siya rin ang Team Leader ng Institutional Capacity Development for Sustainable Aquaculture o Dream Project. Taglay niya ang Master in Business Administration degree (1972) mula sa Pamantasan ng Pilipinas, Diliman, Quezon City. Renato F. Agbayani Siya ay naging Project Leader ng Community Fishery Resources Management (CFRM) Project na natapos noong 1998. Ang kanyang maraming mga lathalain sa mga prestihiyosong mga pandaigdigang journal ay ukol sa ekonomiks ng mahahalagang mga aquaculture commodities. Pag-aalaga ng halamang-dagat na Kappaphycus 27 Tungkol sa SEAFDEC Ang Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC), isang pampurok na samahan, ay itinatag noong 1967 upang isulong ang pag-unlad ng pangisdaan sa Timog-silangang Asya. Ang mga bansang kasapi dito ay Brunei Darussalam, Cambodia, Hapon, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam. Ang SEAFDEC ay nananaliksik ng mga makabagong teknolohiya at wastong pamamaraan sa pangisdaan, nagsasanay sa mga teknisyan at manggagawa sa industriya ng akwakultura, at nagpapalaganap ng mga impormasyong pangisdaan at akwakultura. Ang tagapamahala, ang KalihimPangkalahatan (Secretary-General) ay nanunungkulan sa Secretariat sa Bangkok, Thailand. May apat na kagawaran ang SEAFDEC: ● Training Department (TD) sa Samut Prakan, Thailand, sanayan para sa paghuhuli ng isdang-dagat (marine capture fisheries) ● Marine Fisheries Research Department (MFRD) sa Singapore para sa mga teknolohiyang pang-post-harvest ● Aquaculture Department (AQD) sa Tigbauan, Iloilo, dito sa Pilipinas, para sa pananaliksik at pagsasanay sa akwakultura ● Marine Fisheries Resources Development and Management Department (MFRDMD) sa Kuala Terengganu, Malaysia para sa pagpapaunlad at pangangasiwa ng yamang-dagat sa mga exclusive economic zones (EEZs) ng mga kasaping bansa ng SEAFDEC