Aquaculture Extension Manual Blg. 22 (Ikatlong Edisyon) PAG-AALAGA NG TILAPYA RUEL V. EGUIA MARIA ROWENA R. EGUIA Aquaculture Department Southeast Asian Fisheries Development Center www.seafdec.org.ph Kaagapay na manwal Pagpapaanak ng �lapya AEM bilang 23 Ang AEM bilang 23 ay tumatalakay sa pagpapaanak ng �lapya sa mga kongkretong tangke at sa mga kulungang lambat sa palaisdaan at lawa. Matatagpuan din sa manwal na ito ang talaan ng mga sumusunod: mga ahensiya sa Pilipinas na nagsasagawa ng pananaliksik sa �lapya; mga teknikal na mga salita at kanilang mga kahulugan; at mga mahahalagang lathalaing maaaring basahin. Ang AEM bilang 23 ay sinulat nina Ruel V. Eguia at Maria Rowena R. Eguia ng SEAFDEC/AQD Binangonan Freshwater Substa�on, Binangonan, Rizal. Ang AEM bilang 23 ay kaagapay na manwal ng AEM bilang 22, Pag-aalaga ng �lapya. Para sa iba pang impormasyon, sumulat sa: SEAFDEC/AQD Binangonan Freshwater Sta�on Tapao Point, Binangonan, Rizal, Philippines Telefax (02)2893687 Email: mlcaralar@aqd.seafdec.org.ph Aquaculture Extension Manual Blg. 22 (Ikatlong Edisyon) PAG-AALAGA NG TILAPYA RUEL V. EGUIA MARIA ROWENA R. EGUIA Aquaculture Department Southeast Asian Fisheries Development Center www.seafdec.org.ph Aquaculture Extension Manual Blg. 22 (Ikatlong Edisyon) Hulyo 2007 ISBN 978-971-8511-83-1 Nilathala at Nilimbag ng Aquaculture Department Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) Tigbauan, Iloilo, Pilipinas Copyright © 1996, 2001, 2007 Aquaculture Department Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) Tigbauan, Iloilo, Pilipinas Unang edisyon: Simpleng gabay sa pag��lapya - Pagpapalaki ng �lapya (1996) Ikalawang edisyon: Simpleng gabay sa pag��lapya - Pagpapalaki ng �lapya (2001) Reserbado ang lahat ng karapatan Hindi maaaring gami�n o kopyahin ang anumang bahagi ang aklat na ito sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may copyright o tagalathala Para sa mga mungkahi Training and Informa�on Division at mga tanong: SEAFDEC Aquaculture Department Tel (63-33) 511 9172, 336 2965 Fax (63-33) 511 8709, 511 9070 Email aqdchief@aqd.seafdec.org.ph AQD website h�p://www.seafdec.org.ph Paunang salita Bilang isa sa pinakamahalagang isdang inaalagaan sa PIlipinas, nararapat lamang na mas paghusayin pa ang mga teknolohiya at pamamaraan ng pagaalaga ng �lapya para mas mapalaki ang produksyon nito. Ang manwal na ito ay naglalayong bigyan ng mahahalagang impormasyon ang mga interesadong mag-alaga ng �lapya. Nakapaloob sa manwal na ito ang mga impormasyon mula sa uri ng �lapyang maaaring alagaan hanggang sa pagkwenta ng inaasahang tubo. Kami ay umaasa na may makukuhang bagong kaalaman hindi lamang ang mga gustong mag-alaga ng �lapya kundi pa� na rin ang mga mananaliksik, mga guro’t mag-aaral, at iba pang bahagi ng sektor ng akwakultura. Magtulong-tulong po tayo upang mas higit na mapaunlad ang sektor ng akwakultura. DR. JOEBERT D. TOLEDO Chief, SEAFDEC/AQD SEAFDEC/AQD Binangonan Freshwater Sta�on Binangonan, Rizal Maliban sa �lapya, may mga pananaliksik ring isinasagawa sa Binangonan Freshwater Sta�on ukol sa mga isdang-tabang tulad ng karpa, hito at ulang Mga nilalaman Paunang salita Panimula Mga uri ng �lapya na inaalagaan sa Pilipinas Plapla o nilo�ca Mossambika Aureus Red �lapia o gintong biyaya Hybrid ng hornorum at mossambika Pagbili ng piling similya ng �lapya Ano ang kinakain ng �lapya? Paraan ng pag-aalaga ng �lapya (culture methods) Sa kongkretong tangke Kalamangan ng pag-aalaga sa tangke Mga istraktura at gamit Kaalamang teknikal Pag-aalaga ng �lapya sa kulungang lambat o netcage Sa lawa Sa dam o reservoir Sa loob ng palaisdaan Pagpili ng angkop na lugar Paggawa ng istruktura o modyul para sa lambat Paggawa ng kulungang lambat Pagtahi ng kulungang-lambat Pagsasaayos sa modyul 1 3 3 4 5 6 7 7 8 10 10 11 11 12 12 16 16 13 14 17 21 23 Paglalagay ng similya sa lambat Pag-aani Paraan ng pag-aangat ng lambat Pangangalaga sa kulungang lambat Pag-aalaga sa palaisdaan o fishpond Pagpili ng angkop na lugar Paggawa ng palaisdaan Paghahanda ng palaisdaan Pagpapalaki ng �lapya Pangangalaga sa kalidad ng tubig Pag-aani Mga paraan upang tumaas ang ani ng �lapya Pag-iimpake at pagbibiyahe May kita ba sa pag-aalaga ng �lapya? Pangangalaga ng kalusugan ng alagaing �lapya Mga tanggapang nagsasaliksik sa �lapya Talasalitaan Mga mahahalagang babasahin 25 26 27 28 28 29 30 32 33 34 36 37 39 40 42 47 50 53 Panimula Ang mura, malasa at sagana sa pro�nang �lapya ay unang dinala sa a�ng bansa mula sa Thailand noong 1950. Ang kauna-unahang uri nito sa Pilipinas ay ang mossambika (Tilapia mossambica = Oreochromis mossambicus). Dahil madali ang paraang ginagamit sa pagpapalaki at pagpaparami nito, marami ang nahikayat na mag-alaga ng mossambika sa kani-kanilang bakuran (backyard fishpond). Ngunit hindi naglaon, ang mga naunang inakalang magandang katangian ng mossambika ay naging hadlang sa maunlad na pag-aalaga nito. Maaari itong manganak sa �mbang na 25 gramo. Lumiit o nabansot ang lahi ng mossambika dahil sa hindi mapigilang pagdami nito at sa di-sadyang pagpaparis ng mga �lapyang magkakalahi o magkakamag-anak (uninten�onal inbreeding). Ang di-mapigilang pagdami ng mossambika ay nagdulot din ng masamang epekto sa ibang uri ng isda. Ito ang nagbunsod sa ilang mga ahensiya ng agrikultura at pangisdaan sa pamahalaan na gumawa ng paraan upang malutas ang problemang ito. Noong 1972, umangkat ng ibang uri ng �lapya ang Bureau of Fisheries and Aqua�c Resources ng Department of Agriculture o DA-BFAR. Ito ay ang nilo�ca (Tilapia nilo�cus = Oreochromis nilo�cus) o plapla. Ang nilo�ca ay mas kilala ng mga mangingisda sa tubig-tabang. Iba’t-ibang ahensiya ng pangisdaan ang nagtuon ng pansin sa pagtuklas ng teknolohiya sa pagpapalaki ng nilo�ca kaya’t hindi naging mahirap ang pagbibigay ng gabay sa mga nagnanais magalaga nito. Sa SEAFDEC, sinaliksik at patuloy na pinag-aaralan ang tamang pamamaraan ng pagpapakain (nutri�on), pamamahala ng kalusugan (fish health management), wastong pagpili at pag-aalaga ng mga paanaking isda (broodstock management), pagpapaanak at pagpaparami (hatchery management) at pagpapalaki ng mga similya (nursery management). Noong 2005, pangatlo ang �lapya sa mga pangunahing produkto (kinabibilangan ng halamang-dagat o seaweeds, pangalawa ang bangus) na mula sa akwakultura na nakapagdulot ng higit sa walong porsiyento (8.6%) sa kabuuang 1.8 milyong toneladang produksyon. Sana ay sa pamamagitan ng lathalain na ito, maibahagi naming sa mga pangkaraniwang mangangalaga ng isda ang ilan sa mga dapat na malaman ukol sa pag-aalaga ng �lapya. Sa ganitong paraan, higit pa sanang mapauunlad ang industriya ng pag��lapya at lumaki ang produksyon ng nasabing isda. 2 Pag-aalaga ng �lapya Mga uri ng �lapya na inaalagaan sa Pilipinas Maraming uri (species) ng �lapya ang inaalagaan sa Pilipinas. Ang mga ito ay inangkat mula sa ibang bansa ng mga ahensiya ng pananaliksik, pamantasan, mga pribadong ahensiya o palaisdaan, at Bureau of Fisheries and Aqua�c Resources. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: plapla o nilo�ca, mossambika, aureus, pulang �lapya (red �lapia) at ang hybrid ng mossambika at hornorum. Plapla o nilotica (Tilapia nilo�ca o Oreochromis nilo�cus) Ang nilo�ca ay ang pinakakilala sa lahat ng uri ng �lapya. Madali itong palakihin, hindi maselan sa pagkain at angkop sa mga bansang mainit (tropical countries) tulad ng Pilipinas. Makikilala ang nilo�ca sa mga patayong i�m na guhit na matatagpuan sa kahabaan ng katawan at buntot nito. Ang pinakadulo ng buntot o caudal fin ay pula at ang gilid ng palikpik sa likod o dorsal fin ay i�m. Maraming lahi (strain) ng nilo�ca ang matatagpuan sa Pilipinas. Bukod sa mga ordinaryong lahi tulad ng “Israel” mula sa Israel at “Chitralada” mula sa Thailand, may ibang mga lahi ng �lapya nilo�ca o plapla ang pinainam sa pamamagitan ng pagpaparis ng piling mga �lapya (selec�ve breeding). Sa piling pagpaparis, ginagamit ang lahi ng mga paanaking �lapya na napatunayang likas na nakaaangat o superior batay sa kanilang mga namanang magagandang katangian (gene�cally heritable traits). 3Pag-aalaga ng �lapya Nakatala sa ibaba ang mga halimbawa ng iba’t-ibang lahi ng plapla sa Pilipinas: • Genomar Supreme Tilapia o GST • Gene�cally Improved Farmed Tilapia o GIFT • Freshwater Aquaculture Center Selected Tilapia o FAST • Gene�cally Enhanced Tilapia – EXCEL (Extra-Large, Excellent) o GET- EXCEL • SEAFDEC-selected �lapia o SST • YY–supermale �lapia o Gene�cally Male Tilapia o GMT • SaltUNO o Molobicus (hybrid ng plapla at mossambika) Ang mga ito ay mula sa mga programang pagpili (gene�c selec�on programmes) na isinagawa ng mga ahensiya tulad ng SEAFDEC (SST strain), GIFT Founda�on Interna�onal Inc. (GIFT strain), PhilFishGen (GMT o YY �lapia), Genomar (GST strain) o ng pamantasan tulad ng CLSU (FAST strain) at ng ahensiya ng pamahalaan gaya ng BFAR (GET-EXCEL at SaltUNO). Batay sa isinagawang survey ng 136 na �lapia hatcheries (na pag-aari ng pribadong sektor o ng pamahalaan) sa buong Pilipinas, i�natayang may 94.3% ng mga similyang nagamit sa pagpapalaki ng �lapya noong 2003 ay mula sa mga pinainam na lahi. Karamihan dito ay ang Genomar Supreme Tilapia at ang GET-EXCEL. Ang GET-EXCEL ay ang lahi ng �lapya mula sa Bureau of Fisheries and Aqua�c Resources, na �naguyod ng pamahalaan at “ipinakalat” sa buong Pilipinas bilang bahagi ng kanilang �lapia seed dissemina�on program. Mossambika (Tilapia mossambica o Oreochromis mossambicus) Kadalasang matatagpuan ang mossambika sa mga baybaying dagat (coastal areas). Nabubuhay ito sa tubig tabang at sa tubig alat (hanggang 30 ppt) at madali itong paramihin. Bukod sa ito ay pagkaing pantao, karaniwan din itong ibinibigay bilang pakain sa isda o forage fish tulad ng lapu-lapu, apahap, atbp. Mai�m ang katawan ng mossambika. Ang ilalim na bahagi ng ulo nito ay pu� samantalang ang dulo ng buntot at gilid ng dorsal fin ay pula. 4 Pag-aalaga ng �lapya Karaniwang ginagamit ang isdang ito sa pagpaparis (hybridiza�on) sa ibang uri ng �lapya upang makapagpaanak ng mga similyang puro lalaki lamang. Pinaniniwalaan kasing mas mabilis lumaki ang lalaking �lapya kaysa sa babaing �lapya kung kaya’t may mga mangangalaga ng isda na gustong magpalaki ng �lapyang puro lalaki lamang (monosex culture). At dahil puro lalaki ang �lapyang inaalagaan, nakatutulong ito sa pag-iwas sa dimapigilang panganganak at pagdami ng mga bansot na alagaing �lapya sa mga palaisdaan. Aureus (Tilapia aurea o Oreochromis aureus) Iilan ang nag-aalaga ng aureus. Ito ay mabilis lumaki at nabubuhay sa malamig o mainit na panahon. Madalas itong ginagamit sa pagpapaganda ng lahi ng �lapya sa pamamagitan ng pagpaparis sa hindi kauri o hybridiza�on at sa pagpapadami ng mga similyang puro lalaki o monosex culture, atbp. May pagkakahawig ang aureus sa nilo�ca. Ito ay mayroong kalat-kalat na i�m na ba�k sa katawan lalo na sa buntot. Ang pagkakaiba lamang nito sa nilo�ca ay ang kapansin-pansing dilaw na dulo ng buntot at palikpik. Dilaw rin ang ilalim na bahagi ng katawan nito. Matatagpuan na lamang ito sa mga tanggapan ng pananaliksik at sa mga pamantasan tulad ng Freshwater Aquaculture Center sa Central Luzon State University (CLSU), DA-BFAR, at sa ilang mga pribadong ahensiya. May mga proyekto ang mga nabanggit na ahensiya upang subukang alagaan ito sa ilang malalamig na lugar sa Pilipinas tulad ng Benguet Province at ilan pang mga katulad na lugar sa Mindanao at Kabisayaan. Pinaniniwalaan kasing nakatatagal at lumalaki ang Oreochromis aureus kahit malamig ang klima. 5Pag-aalaga ng �lapya Red tilapia o gintong biyaya (Oreochromis spp.) Ang red �lapia ay pangkaraniwang inaalagaan ng mga may negosyong pangisdaan. Katulad din ng mga �lapyang kulay abo, ang pulang �lapya ay mabilis lumaki. Ang pulang �lapya ay nagmula sa pagpaparis ng dalawa o tatlong uri ng �lapya – O. nilo�cus at O. mossambicus (Taiwanese red �lapia) o O. nilo�cus, O. mossambicus at O. u. hornorum (Philippine red �lapia). Ang kakaibang kulay nito (kahel) ay mula sa mutant na uri ng mossambika ngunit ang pangkalahatang anyo at hugis nito ay hindi naiiba sa pangkaraniwang nilo�ca. Ang pulang �lapya ay maaaring alagaan sa mga palaisdaang maaaring pasukan ng tubig-alat at sa mga kulungang lambat (cages) sa dagat. Dahil sa kakaibang kulay ng red �lapia, hindi ito gaanong naiibigan ng mga lokal na mamimili na mas nahira� sa nilo�ca. Gayunpaman, malaki ang potensyal nito sa panlabas na pamilihan (export market). Kung aanihin ang red �lapia sa bigat na hindi kukulangin sa 500 gramo bawat isa, higit itong magiging mabili sa mga pamilihan lalo’t kung ibebenta nang buhay. Sa katunayan, ito ang pinakamahal na uri ng �lapya na ipinagbibili sa mga eksklusibong pamilihan tulad ng supermarket at sa mga malalaking hotel at kainan sa Maynila. Sa mga bansang tulad ng Hapon at Estados Unidos, madalas nama’y ipinagbibili ito bilang fillet o processed fish. Sa Estados Unidos, ito ay kilala bilang cherry snapper. 6 Pag-aalaga ng �lapya Hybrid ng hornorum at mossambika Ito ay isang uri ng �lapya na produkto ng pagpaparis ng dalawang lahi (Oreochromis mossambicus at Oreochromis urolepis hornorum). Sa ilang lugar sa Visayas, mas kilala ito sa bansag na jewel �lapia. Ang hybrid na ito ay nanganganak ng mga �lapyang puro lalaki lamang. Sinasabi ring mabilis itong lumaki sa tubig alat. Minsan ay ginagamit ito upang mapigilan ang pamiminsala ng �natawag na luminous bacteria sa mga alagaing sugpo. Ang pamamaraang ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng hybrid na ito sa imbakan ng tubig na ginagamit para sa pag-aalaga ng sugpo. Ito diumano ang pumipigil sa pagdami ng mapaminsalang luminous bacteria sa mga palaisdaang alagaan ng sugpo. Pagbili ng piling similya ng tilapya Ang isang pamantayan sa pagbili ng similya sa isang paanakan (hatchery) ay ang pisikal na katangian ng isda tulad ng laki (haba, lapad at katabaan), kalakasan ng similya, atbp. Mahirap malaman ang kahusayan ng uri ng similya lalo na kung ang pagbabatayan ay ang mga katangiang namamana sa lahi (gene�c traits) tulad ng bilis ng paglaki, �bay laban sa sakit, atbp. Upang maka�yak sa husay ng uri ng similya na inyong palalakihin, narito ang ilang gabay sa pagbili: 1 Bumili ng similya sa mga subok nang nagpapaanak ng �lapya. Makabubu� kung ang similya ay magmumula sa mga kilalang ahensiya ng pangisdaan tulad ng DA-BFAR, CLSU, SEAFDEC/AQD atbp. Kung bibili ng similya sa mga pribadong paanakan (hatchery), humingi ng payo sa ibang nagaalaga ng �lapya kung saan ang mga subok at mapagkaka�walaang tagapamahagi nito. 2 Maaaring gumamit ng similya mula sa mga produkto ng makabagong teknolohiya tulad ng SRT (sex reversed �lapia), YY supermale o GMT (gene�cally male �lapia), GIFT (gene�cally improved farmed �lapia) o mga hybrid tulad ng red �lapia at jewel �lapia na mula sa mga pribadong ahensiya. 7Pag-aalaga ng �lapya 3 Kung may sapat namang kaalaman sa pagpapaanak ng �lapya, maaaring magtayo ng sariling paanakan (hatchery) at magsagawa ng sariling pamamaraan sa pagpapaganda ng lahi ng �lapya (gene�c improvement). Ano ang kinakain ng �lapya? Karaniwan sa mga �lapya ay omnivorous o kumakain ng kahit anong uri ng pagkain -- mula sa mga mikroskopikong mga organismong halaman o hayop (planktonic organisms), mga organismong natatagpuan sa ilalim ng lawa o palaisdaan (benthic organisms), hanggang sa mga nabubulok na mga halaman at hayop (detritus). Madali rin itong pakainin ng mga karagdagang pakain (supplemental feed tulad ng darak, lumang �napay atbp.) o mga di-likas na pakain (ar�ficial diets). Dahil sa kanilang mga ugali sa pagkain, napakadaling buhayin at palakihin ang mga �lapya. Nabubuhay ang �lapya sa kalikasan sa pamamagitan ng pagkain ng likas na pagkain tulad ng mga phytoplankton at zooplankton na karaniwang natatagpuan sa tubig sa mga palaisdaan na sagana sa pataba, at sa lawa. Kung di-sapat ang likas na pagkain sa palaisdaan at lawa, saka lamang binibigyan ng darak, lumang �napay, o mas kumpletong pakain tulad ng mga nabibiling fish feed pellets. Ang mga nabanggit na mga di-likas na pakain 8 Pag-aalaga ng �lapya (ar�ficial diet) para sa �lapya ay may 25-30% pro�nang sangkap. Nakatala sa ilalim ang pormula para sa feeds na maaaring ibigay sa mga palakihing �lapya. Maaari itong gami�ng gabay kung may dagdag na karanasan ang tagapag-aalaga sa paggawa ng pakain. Madalas kumain ang �lapya sa buong maghapon. Nilulusaw nito nang husto ang kanilang kinakain. Kadalasan ay mas gusto nitong kainin ang mga feeds na tuyo at hugis pellet kaysa durog. Ang dami naman ng di-likas na pagkain na kayang ubusin ng �lapya sa maghapon ay batay sa mga bagay na nakakaapekto sa gana nito tulad ng antas ng temperatura ng tubig, uri ng pagkain, laki ng isda at higit sa lahat, sa dami ng likas na pagkaing nakukuha niya sa tubig. Halimbawa ng pormula ng ar�pisyal na pakain para sa mga similya ng �lapya sa palakihan Sangkap Dami (gramo sa bawat 100 gramong pakain) Fish meal Soybean meal Copra meal Rice bran Cassava flour Vitamin-mineral mix* 18.25 25.00 10.00 6.00 36.42 4.33 Nilalamang sustansya Crude protein (pro�na) Crude fat (taba) Crude fiber Nitrogen-free extract Ash % dry ma�er 28.1 3.8 3.6 54.6 9.9 *Ito ay nagbibigay ng mga bitamina (dami/kg) tulad ng: ascorbic acid (100mg), bio�n (0.1 mg), choline (550 mg), D-calcium panthotenate (50 mg), folacin (5 mg), inositol (100 mg), pyridoxine (20 mg), bitamina Erib(5o0flaIUv)inat(2b0itammgin),atKhi(a1m0imn g()2.0Anmggm), gbaitmaminienraalA(g(/5k5g0p0akIUai)n,)bniatammainnaayD: 3Ca(1C0O030(7I.U5)),, C(7a.H5)P,OZ4n.S2OH42.O7H(22O0)(,0C.u70SO) 4.5H2O (0.06), FeSO4.7H2O (0.50), KIO3 (0.002), MnSO4.H2O (0.03), NaCl Hango sa mga lathalain ni San�ago et al (1986) at ng Feed Development Sec�on (1994) 9Pag-aalaga ng �lapya Pamamaraan ng pag-aalaga Ang �lapya ay maaaring alagaan sa mga sumusunod: • kongkretong tangke (concrete tank) • kulungang lambat (netcage) sa lawa sa dam o dike sa palaisdaan • palaisdaan (fishpond) Sa kongkretong tangke Ang pag-aalaga ng �lapya sa tangke ay karaniwang ginagamitan ng pamamaraang �natawag na intensibo (intensive culture). Dito, 100 hanggang 200 pirasong isda (50-100 gramo bawat isa) ang inilalagay sa bawat metro kuwadradong lugar. Binibigyan lamang sila ng ar�pisyal na pagkain (ar�ficial feeds). Kung may sapat na daloy ng malinis na tubig, ang madalas na pagbabawas at pagpapapasok ng tubig ay ginagawa upang maiwasan ang sobrang pagdumi nito na siyang maaaring magdulot ng maramihang pagkakasakit o pagkamatay ng isda. Kung may kakulangan sa tubig, ang muling paggamit (recycling o reuse) ng tubig ay karaniwang ginagawa. Ang maruming tubig ay sinasala (filtra�on). Ginagawa ito upang maalis ang dumi at �rang pagkain ng isda. Matapos dito, ang naturang tubig ay pinadadaan din sa mga biological filters o mga pansala na may mga maliliit na organismong tumutulong upang mawala o mabawasan ang mga nakalalasong kemikal tulad ng amonya, sulfide at iba pa. Kapag naisagawa ito, maaaring ibalik at gami�ng muli ang ngayo’y malinis na tubig. Kapag intensibo ang pamamaraang gagami�n, kailangan ng masusing pamamahala at malaking kapital upang matustusan ang pangangailangan sa pagkain at mga karagdagang gamit. At dahil marami ang inaalagaan sa tangke, maraming dumi (aquaculture wastes) ang nagmumula sa pamamaraang ito kaya malaking alalahanin ang mga pangkapaligirang suliranin (environmental problems). Ang maruming tubig na nanggagaling sa ganitong pamamaraan ay maaaring makaapekto sa ibang ak�bidad sa kara�g-lugar tulad ng agrikultura, pangisdaan, at iba pa. 10 Pag-aalaga ng �lapya Sa Pilipinas, iilan pa lamang ang nagsasagawa ng pamamaraang intensibo. Marahil ay kulang pa rin ang kakayahang teknikal at ang malaking kapital na kailangan sa mga ganitong sistema ng pamamahala. Pangkaraniwang matatagpuan ang ganitong uri ng pag-aalaga sa mga progresibong bansa tulad ng Saudi Arabia, Egypt, Israel, Taiwan at Estados Unidos. Dahil sa pagbubukas ng export market para sa �lapya (lalo na ang pulang �lapya) sa mga bansang Hapon, Singapore at Estados Unidos, may ilang mamumuhunan ang nagpakita ng intensiyong subukin ang intensibong pamamaraan. Pinaniniwalaang angkop ang intensibong pamamaraan kung ang layunin ay ang makapag-angkat palabas ng bansa, ng �lapyang makapapasa sa mataas na pamantayan ng kalidad at kalinisan ng pandaigdigang pamilihan. Mga kalamangan sa pag-aalaga sa tangke 1 Ang off-flavor o lasang gilik sa mga alagaing �lapya ay maiiwasan. Dahil sa labis na pagkain ng �lapya ng anumang likas na pagkain na kanilang makukuha sa kapaligiran, maaaring magkaroon ang isda ng di-kanais nais na lasa (lasang gilik) na karaniwang iniiwasan ng mga mamimili nito kung ang �lapya ay inalagaan sa tangke at binibigyan lamang ng ar�pisyal na pakain. Dahil malinis ang tubig na dumadaloy sa mga alagaang tangke ang mga organismong (algae) nagiging sanhi ng off-flavor ay hindi tumutubo. Sa tangke, ang mga alagaing �lapya ay umaasa lamang sa commercial feeds kung saan ito ay nakakadaragdag pa sa linamnam ng lasa nang �lapya. 2 Ang operasyon tulad ng pagpapalaki, paghihiwalay ayon sa laki (o sor�ng) at pag-aani ay mas madali at mabilis isagawa sa tangke. 3 Higit na kontrolado ang iba’t ibang aspeto sa produksyon ng malinis at malalaking �lapya. Mga kailangang gamit 1 blowers o paddle wheel aerator 2 generator 3 mga salaan (size grader) ng iba’t ibang laki ng isda 4 mga kagamitang panukat ng antas ng oksiheno sa tubig, pH, amonya at temperatura (water quality monitoring apparatus) 5 mga reserbang blower, tangke at paddlewheel 11Pag-aalaga ng �lapya Mga kailangang kaalamang teknikal 1 wastong pamamahala sa kalidad ng tubig 2 tamang pagtan�ya ng dami ng pagkain at paraan ng pagpapakain 3 wastong pamamahala sa pagkunsumo ng enerhiya 4 kaalaman sa pagsala o pag-filter (biolohikal o mekanikal) ng tubig kung kinakailangan 5 kaalaman sa paggawa ng pakain o sariling pormulasyon kung kinakailangan Sa kulungang lambat sa lawa Humigit-kumulang 36.2% ng pangkalahatang produksyon ng �lapya sa Pilipinas ay mula sa pag-aalaga sa kulungang lambat (BFAR, 2006). Walong porsiyento (8.15%) naman ang mula sa mga fishpen. Ang pag-aalaga ng �lapya sa mga kulungang lambat ay karaniwang di nangangailangan ng pagpapakain at pagpapataba upang lumaki ang isda. Inilalagay ang mga kulungang lambat sa lawa, dam, at sa mga malalaking imbakan ng tubig (reservoir). Sa mga lawa tulad ng Laguna de Bay, ang isda ay umaasa lamang sa likas na pagkain 12 Pag-aalaga ng �lapya na natatagpuan sa tubig. Ngunit sa ibang mga pagkakataon, tulad ng pagaalaga ng �lapya sa lawang katulad ng Taal, ang pitong lawa ng San Pablo City at mga imbakan ng tubig tulad ng Pantabangan, Magat at Ambuklao dam, pinapakain ng ar�pisyal na pakain ang mga isda. Kinakailangang bigyan ng di-likas na pagkain ang mga isda dahil naglalagay sila ng hindi kukulangin sa 50-100 pirasong �lapya sa bawat metro kubiko ng kulong na lambat. Sa mga ganitong lugar at kundisyon ng pag-aalaga, kadalasa’y intensibong pamamaraan ang sinusunod. Pagpili ng angkop na lugar 1 Pumili ng lugar na may sapat na likas na pagkain (phytoplankton at zooplankton) sa bahagi ng lawa o tubig kung saan ilalagay ang mga kulungang lambat. Kung lun�an ang kulay ng tubig, nangangahulugang mayaman ito sa likas na pagkain. Upang maka�yak, iminumungkahi na magdala ng sampol ng tubig sa mga tanggapang may kakayahang sumuri nito. Maaaring magpasuri ng tubig sa DA-BFAR, SEAFDEC/AQD, CLSU-FAC atbp. Sa ganitong paraan ay maaaring makakabawas nang gastusin sa commercial feeds na kakailanganin sa pagpapalaki ng mga alagang �lapya. 2 Dapat may mainam na sirkulasyon o agos ng tubig (water current) sa nasabing lugar. Pumili ng lugar na ligtas sa polusyon at mga lumulutang na bagay na maaaring makapinsala sa lambat. 3 Tiyaking ang lugar ay ligtas o lihis sa malalakas na hampas ng alon at hangin. Pumili ng lugar sa tabi o pagitan ng mga bundok. 4 Alamin kung ang lupa sa ilalim ng tubig ay madaling pagbaunan ng kawayan, at may lalim na hindi bababa sa dalawang metro at hindi lalagpas ng anim na metro sa buong panahon ng pag-aalaga ng isda o sa buong taon. Samakatuwid, ito ay maaring lagyan ng modyul na patulos. Kung ang lalim ng lugar naman ay hindi bababa sa sampung metro, naaangkop naman dito ang nakalutang na modyul. 5 Pumili ng lugar na madaling mara�ng at malapit sa pamilihan ng isda, lambat, kawayan at mga pangunahing pangangailangan (yelo, pagkain ng isda at pangangailangan ng mga manggagawa). 6 Ang tahimik na lugar at mababait na kapitbahay ay mahalaga upang ma�yak ang kaligtasan ng mga manggagawa at iba pa. Pag-aalaga ng �lapya 13 Paggawa ng istruktura o modyul para sa kulungang lambat Maaaring gumawa ng modyul ayon sa mga sumusunod na paraan: • Nakatulos na modyul (sta�onary module) Ang kulungang lambat (cages) ay nakasabit sa kawayan o pelote na nakabaon sa pu�k. Ang mga kawayang poste o pelote ay nilalagyan ng pangkol (mga kawayang nakaayos ng pahalang) sa taas na 1-2 metro mula sa ibabaw ng tubig upang mapatatag ang buong istruktura. Tingnan ang nakalarawan sa Figure 1. FIGURE 1 Sta�onary o nakatulos na modyul na yari sa kawayan • Nakalutang na modyul (floa�ng module) Ang kulungang lambat ay nakasabit sa istrukturang kawayan na nakalutang sa tubig. Sa pamamagitan ng pagtatali-tali ng 5-10 piraso ng kawayan, gumawa ng maliit na balsa na siyang magsisilbing palutang (float) ng modyul. Gumawa ng dami ng palutang na naaayon sa laki ng isasabit na lambat. Pagdugtong-dugtungin ang mga balsang kawayan sa hugis na parisukat o parihaba sa pamamagitan ng pagtatali sa mga dulo nito. Maglagay ng patayong kawayan na may taas na kalaha� hanggang isang metro na siyang magsisilbing talian ng lambat. Sundin ang nakalarawan sa Figure 2. 14 Pag-aalaga ng �lapya FIGURE 2 Mga halimbawa ng floa�ng o nakalutang na modyul na yari sa kawayan Ang nakalutang na modyul (floa�ng module) ay karaniwang ginagamit sa mga malalalim na lawa at imbakan ng tubig, at sa mga lugar na may ma��gas na ilalim na hindi maaaring pagbaunan ng kawayan. Sa paggawa ng nakalutang na modyul ay kailangan ng higit na maraming kawayan at iba pang gamit tulad ng angkla (anchor) sa ilalim ng tubig at pabigat para sa mga lambat. 15Pag-aalaga ng �lapya Sa kulungang lambat sa dam o reservoir Mainam itong isagawa sa panahon ng tag-ulan kung saan ang mga dam ay napupuno ng tubig ulan. Ang pag-aalaga ng �lapya sa mga lumulutang na lambat ay angkop sa mga dam o reservoir at maaaring pagkakitaan kapalit ng maliit na puhunan. Higit itong angkop kung sagana sa natural na pagkain ang tubig sa dam o reservoir dulot ng run-off na karaniwang pumapasok dito. Sa loob ng palaisdaan Ang ganitong pamamaraan ay maaari ding gumamit nang ibang isda tulad ng ulang, karpa, o hito sa loob ng palaisdaan. Ang mga naturang isda ay maaaring hayaan lamang sa labas ng kulungang lambat sa loob ng palaisdaaan at makinabang sa mga pagkain na tumutubo doon. Ang mga nakakulong �lapya sa lambat ay binibigyan ng commercial feeds. Ang labis na pagkain ay maaaring pakinabangan ng mga isda o hipong nasa labas ng kulungang lambat. 16 Pag-aalaga ng �lapya Paggawa ng kulungang lambat (cage fabrica�on) Ang kulungang lambat ay parang isang kulambong ikinakabit na pabaligtad sa modyul. Katulad ng kulambo, ito rin ay yari sa lambat o nylon net. Ang iba’t-ibang klase ng lambat na ginagawang kulungan ay inuuri ayon sa dami ng buhol o knot at sa sukat ng mata o mesh na taglay nito. Ang mga lambat na karaniwang ginagamit sa pagpapalaki ng �lapya ay ang mga sumusunod: Uri ng lambat* SG net (size 12) GG net (size 14) CC net (size 17) B net Dami ng buhol sa bawat anim na pulgada 12 14 17 *Nakalarawan sa Figure 3 Sukat ng mata (pulgada) 1.09 0.92 0.75 0.19 May mga kalamangan ang paggamit ng malaki (10 x 20 m) o maliit (5 x 10 m hanggang 6 x 12 m) na sukat ng lambat. Sa pagpili ng sukat ng lambat, isaisip ang kakayahan ng mga manggagawa at ang paunang puhunan na nais ilagay sa proyekto. Nakatala sa ibaba ang mga kainaman at di-kainaman ng maliliit at malalaking sukat ng lambat. Maliit na sukat ng lambat Kainaman • Kayang pamahalaan ng isa o dalawang tao lamang. Ito ay madaling anga�n at �ngnan kung may sira • Kahit masira o mabutas ay kaun� lamang ang mawawalang isda sa bawat kulungan Di-kainaman • Aksaya sa lambat at kawayan • Kaun�ng produksyon mula sa bawat lambat 17Pag-aalaga ng �lapya FIGURE 3. Iba’t-ibang uri ng lambat na ginagamit sa pagpapalaki ng �lapya SG net – May 12 na buhol sa loob ng anim na pulgadang lambat na batak o stretched net GG net – May 14 na buhol sa loob ng anim na pulgadang lambat na batak o stretched net CC net – May 17 na buhol sa loob ng anim na pulgadang lambat na batak o stretched net B net Malaking sukat ng lambat Kainaman • Maraming produksyon sa bawat kulungan • Ma�pid sa lambat at kawayan Di-kainaman • Kailangan ng mas maraming kamay sa pag-aangat • Kapag nabutas, mas maraming isda ang mawawala sa bawat kulungan 18 Pag-aalaga ng �lapya Para sa madaling operasyon ng proyekto, iminumungkahi ang sukat na 5 x 10 metro (Figure 4) hanggang 10 x 20 metro (Figure 5). Ang lalim ng kulungang lambat ay ayon sa lalim din ng tubig kung saan may pinakamaraming likas na pagkain. At dahil ang likas na pagkain sa lawa ay karaniwang matatagpuan malapit sa ibabaw, hindi humihigit sa limang metro ang lalim ng mga kulungang lambat. FIGURE 4 Halimbawa ng 5 x 10 m kulungang lambat 10 m 5m lawayan (polyrope) isang panapa FIGURE 5 Halimbawa ng 10 x 20 m kulungang lambat 20 m 10 m lawayan isang panapa 19Pag-aalaga ng �lapya Mapapansin na ang mga lambat ay may hugis parihaba. Ayon sa karanasan, mas madaling anga�n ang parihabang lambat kaysa lambat na parisukat. Kapag ang lambat ay parihaba, madaling makasusuot ang lunday sa ilalim ng kalaparan nito sa tuwing aanihin ang isda. Ma�pid at madali ring gawin ang parihabang lambat kaysa sa lambat na parisukat. Konstruksyon ng lambat Mga gamit: • Lambat na size 17 o CC net • Lubid na plas�k (#8 o 4 mm polyethylene rope) • Pami�s o panali (#210/18) • Karayom at gun�ng 20 Pag-aalaga ng �lapya Gabay sa pagtan�ya ng kailangang lambat at iba pang gamit para sa 5 x 10 metrong kulungang lambat Ang isang rolyo ng lambat (size 17 knotless net) ay humigit-kumulang sa 90 m x 2.5 m. Sa isang piraso ng 5 x 10 m kulungang lambat, kailangan ng 70 metro ng CC net (o halos isang rolyo). Ang mga sumusunod na gamit ang kakailanganin sa bawat isang 5 m x 10 m kulungang lambat: • 1 rolyong lambat (sukat 17 knotless net) • 1 rolyong lubid na plas�k (#8 nylon rope) • 3-5 rolyong pami�s o panali (#210/18) Para naman sa 10 x 20 m kulungang lambat, kailangan ang mga sumusunod: • 2 ½ rolyong lambat (sukat 17 o CC net) • 2 ½ rolyong lubid na plas�k (#8 nylon rope) • 8-10 rolyong pami�s o panali (#210/18) Pagtahi ng kulungang lambat Sa mga baybayin ng Laguna de Bay at iba pang lawa ay maraming manggagawang tumatahi ng lambat. Ang kasalukuyang upa sa pagtahi ay P10.00 bawat metrong haba ng pi�s (linear meter) na nagawa. Ito ang mga pamamaraan: 1 Kung nais na ang sukat ay 5 metrong haba, dagdagan ng ¾ pulgadang palugit sa magkabilang dulo ng nasabing haba ng lambat. Gupi�n ayon sa tamang sukat. 21Pag-aalaga ng �lapya 2 Isa-isang pagdiki�n at tahiin sa makina ang mga �nabas na lambat (maaari itong gawin kung ang lambat ay B net). Lagyan ng lubid o polyrope ang bawat gilid ng �nahing lambat. gilid ng �nahing lambat tahi sa makina 3 Matapos isuot ang lubid sa bawat gilid ng lambat, tahiin ito ng kamay sa pamamagitan ng paggamit ng karayom at pami�s o nylon twine. 1/2 pulgada pami�s polyrope cloved hitch w/ overhand knot polyrope 22 Pag-aalaga ng �lapya Pagsasaayos ng kulungang lambat sa modyul (cage arrangement) Kung puro kawayan lamang ang gagami�n sa nakatulos na modyul, ang pagsasaayos nito ay naaayon sa nakalarawan sa Figure 6. Mga gamit: • 40 pirasong kawayan (patayong poste) • 10 pirasong kawayan (pahalang o pangkol) • mga panali FIGURE 6 Pagsasaayos ng kulungang lambat Anyo mula sa ibabaw 30 m 3 m pangkol tulos na kawayan 5 x 10 m cage Anyo mula sa gilid pangkol - 2 m mula sa ibabaw ng tubig 5 x 10 m cage 0.25 m mula sa ibabaw ng tubig tali sa ilalim nakabaon ng 1-2 m Pag-aalaga ng �lapya 23 FIGURE 7 Modyul na yari sa pelote o anahaw Anyo mula sa ibabaw 30 m 5 m pangkol tulos na anahaw o pelote 5 x 10 m cage Anyo mula sa gilid 5m pangkol - 2 m mula sa ibabaw ng tubig 5 x 10 m kulungang lambat anahaw o pelote 0.25 m mula sa ibabaw ng tubig nakabaon ng 1-2 m 24 Pag-aalaga ng �lapya Mababawasan ang kailangang bilang ng kawayan kung gagamit ng pelote o puno ng anahaw sa nakatulos na modyul. Tingnan ang nakalarawan sa Figure 7 para sa pagsasaayos ng kulungang lambat sa modyul. Mga gamit: • 18 pirasong pelote (poste) • 10 pirasong kawayan (pahalang o pangkol) • mga panali Kawayan vs. anahaw na pelote Mahal Madaling bilhin 3-4 taon ang �natagal Mahirap kumilos ang tao kung inaangat ang kulungan Mahina sa malakas na alon Naibabaon sa manu-manong pamamaraan Mura Kaun� ang bilihan Mahigit 10 taon ang �natagal Madaling kumilos Matatag kahit sa bagyo di-pangkaraniwang gamit ang kailangan upang maibaon Higit na matibay at matagal ang buhay ng anahaw na poste kaysa kawayan. Nakasaad sa talaan ang kainaman at di-kainaman ng dalawang uri ng posteng ginagamit sa nakatulos na modyul. Paglalagay ng similya sa lambat 1 Sa pagbibiyahe ng similya, gawin ito sa gabi kung kailan malamig ang panahon upang maiwasan ang stress dahil sa mainit na temperatura sa araw, matagal na biyahe at pagkaalog sa mga similya. Tan�yahin na ang mga isda ay dara�ng sa lugar na paglalagyan sa bandang madalingaraw o bago mag umaga kung saan ang oksiheno o dissolved oxygen ay inaasahang pataas na ang antas. Bago pawalan ang mga isda sa lambat, ibabad ng 10-20 minuto ang mga lalagyan (plas�c transport bags) sa tubig upang maiwasan ang maramihang pagkamatay dulot ng biglang pagbabago ng temperatura ng tubig sa loob ng bag. 2 Maglagay ng 10-15 pirasong similya sa bawat metro kwadrado ng kulungan (depende sa kakayahan ng lawa o carrying capacity). 25Pag-aalaga ng �lapya 3 Sampung gramo (o higit pa) ang �mbang ng isda na dapat ilagay sa lambat na CC (CC net) upang maiwasan ang pagtakas nito. 4 Ang pinakamainam na panahon sa paghuhulog ng similya sa lambat ay mula Marso hanggang Hulyo upang makaiwas sa panahon ng bagyo. Sa daming 10-15 pirasong similya bawat metro kwadrado, maaaring lumaki hanggang 150-200 gramo ang bawat isda sa loob ng 4-6 buwan ng pag-aalaga. Ito ay kung maraming likas na pagkain ang matatagpuan sa tubig. Umaabot naman ng 3-4 buwan upang mapalaki ang �lapya (sa �mbang na 200-250 gramo bawat isa) sa mga malalalim na lawa. Magbigay ng komersyal na pagkain sa mga isdang may daming 50 hanggang 100 piraso bawat metro kubiko ng kulungang lambat. Pag-aani Maaari nang anihin ang alagang �lapya kung umabot na ito sa wastong laki o �mbang. Sa pag-aani, anga�n lamang ang kulungang lambat at salukin lahat ng isda. Ito ay �natawag na lahatang pag-ani o total harves�ng. Maaari rin ang di-lahatang pag-ani o par�al harves�ng kahit hindi pa umaabot ang lahat ng isda sa ninanais na laki o �mbang. Kadalasang ginagawa ito kung mataas ang halaga ng �lapya sa pamilihan. Minsan ay sadyang binabawasan ang populasyon ng �lapya sa bawat kulungan upang lumaki pa nang husto ang mga maiiwang maliliit na isda. 26 Pag-aalaga ng �lapya Paraan ng pag-aangat ng lambat Sa pag-aangat ng lambat na may sukat na 5 x 10 m, maaaring umupa ng dalawang manggagawa. Ngunit sa mga malalaking lambat na may sukat na 10 x 20 m, kailangan ang tatlong manggagawa (o higit pa) at isang lunday o hakat. Anga�n ang lambat sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan: 1 Kalagin ang mga tali ng lambat sa ilalim. 2 Mula sa isang dulo ng lambat ay ipasok nang pahalang ang lunday o hakat sa kalaparan ng lambat patungo sa bukasan. 3 Un�-un�ng hilahin ang lambat sa ibabaw ng lunday at ilagay sa kabilang bahagi nito. Iwasang may sumamang isda. 4 Uli�n ang ikatlong hakbang hanggang maipon ang mga isda sa dulong bahagi malapit sa bukasan. Mag�ra ng sapat na lugar para languyan ng isda. Mula dito ay maaari nang salukin ang mga malalaking isda. 5 Matapos kunin ang kailangang isda, hilahin ang lunday palabas sa gilid upang muling bumagsak ang nakataas na bahagi ng lambat. Ikabit muli ang mga tali sa ilalim. Tahiin ang bukasan sa ibabaw ng lambat. FIGURE 8. Paglulubog ng lambat sa panahon ng dara�ng na unos o bagyo (anyo mula sa gilid) cage na may takip mga water lily atbp. inilubog ng 0.25 m mula sa ibabaw ng tubig 27Pag-aalaga ng �lapya Pangangalaga sa kulungang lambat 1 Suriin ang mga lambat kung may sira, punit, butas, nakabarang lumot, talip�p atbp., sa pamamagitan ng pagsisid tuwing ikalawang linggo. 2 Minsan sa isang buwan, bisitahin ang mga tulos na kawayan. Palitan ang mga kawayang marupok at may bali. 3 Kung tumaas ang tubig sa lawa dulot ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan, itaas ang walang takip na lambat ng isang piye o 0.25 metro (freeboard) mula sa tubig. Kapag mahangin sanhi ng nagbabantang malakas na bagyo, ibaba ang lambat na may takip ng dalawang piye o kalaha�ng metro mula sa ibabaw ng tubig. 4 Ang kulungang lambat ay maaari namang ilubog sa tubig sa panahon ng unos upang maiwasan ang hampas ng alon at mga bagay na lumulutang sa tubig na maaaring maging sanhi ng pagkapunit o pagkasira nito (Figure 8). Sa palaisdaan (fishpond) Humigit kumulang sa apatnapu’t siyam na bahagi (49.3%) ng buong produksyon ng �lapya sa Pilipinas ay mula sa pag-aalaga sa palaisdaan (BFAR, 2006). Bukod sa mga palaisdaang may tubig tabang, inaalagaan din ang �lapya sa mga palaisdaang pinapasukan ng tubig alat. May anim na porsiyento (6.12%) ang nag-aalaga nito sa palaisdaang may tubig tabsing o tubig-alat (BFAR, 2006). Ang karaniwang pinalalaki sa palaisdaang may halong tubig alat ay ang mossambika at mga hybrid na tulad ng red �lapia at jewel �lapia. Pinalalaki ito ng bukod o kasama ng sugpo, bangus, apahap atbp. Sa kasalukuyan, ang �lapya ay makikita na sa halos lahat ng pamilihan sa Luzon, sa Visayas at Mindanao kung saan pinalalaki ang naturang isda sa mga palaisdaang da�ng pinag-aalagaan ng sugpo at bangus. Bukod dito, kapuna-puna ang pagdami ng palaisdaan ng �lapya sa Bulacan, Nueva Ecija at Pampanga dulot marahil ng mahinang ani ng palay sa gitnang Luzon. Mapapansin nga na sa Bulacan at Pampanga, marami ang mga nag��nda ng buhay na �lapya sa gilid ng daan. Marami ring nagbibiyahe ng buhay na �lapya lulan ng mga trak (na may mga sisidlang tangke o hauling box na may hangin o aera�on) patungo sa iba’t-ibang lugar sa Maynila at Rizal. 28 Pag-aalaga ng �lapya Pagpili ng angkop na lugar Ang mga sumusunod ay mga panuntunan sa pagpili ng lugar na mapaglalagyan ng palaisdaan: 1 Topograpiya – mahalagang matukoy ang lugar na ligtas sa pinakamalalim na baha (ayon sa nakaraang 10 taong karanasan ng naturang lokalidad), pagguho ng lupa atbp. Mahalaga ring pumili ng lugar na madaling maisasagawa ang pagpapapasok at pagpapalabas ng tubig kahit walang tulong ng bomba ng patubig. 2 Tubig – pinakamahalaga sa paggawa ng palaisdaan ay ang sapat na pagkukunan ng tubig. Ito ay maaaring magmula sa ilog, sapa, o kanal ng irigasyon. Ipinapayo rin ang pagtatayo ng isang malakas na poso o bomba ng tubig upang ma�yak ang sapat at palagiang rasyon ng tubig sa buong taon. 3 Uri ng lupa – piliin ang lugar kung saan ang lupa ay malagkit (clay loam). Ang ganitong uri ng lupa ay makapipigil ng tubig. Nagtataglay din ito ng mga katangiang makatutulong sa pagpapatubo ng lumot o likas na pagkain ng isda. Makabubu�ng kumuha ng sample ng lupa, ipasuri at kumunsulta sa Bureau of Soils and Water Management. Doon ay maaari rin ninyong isangguni sa mga dalubhasa kung anong uri ng pataba ang kailangan ng inyong lupa (Figure 9). 4 Bilihan ng magandang uri ng similya – mainam kung malapit ang palaisdaan sa mga pinagmumulan ng mahusay na uri ng similya. Kung may kalayuan ang palaisdaan sa mga similyahan, maaaring magdulot ito ng karagdagang gastusin sa pagbibiyahe (transport) nito. 5 Distansya mula sa pamilihan – makabubu�ng pumili ng lugar na malapit sa pamilihan upang masiguro ang pagdadalhan ng ani o bilihan ng mga pangunahing pangangailangan ng inyong manggagawa. 6 Katahimikan ng lugar o peace and order – mahalaga upang madaling maisagawa ang pagpapaunlad ng negosyong palaisdaan nang walang hadlang at agam-agam. 29Pag-aalaga ng �lapya Paggawa ng palaisdaan (pond construc�on) sluice gate Sa mga malalaking proyekto, madalas ay ikinukunsulta sa isang inhinyero sa akwakultura ang tamang disenyo ng palaisdaan. Ang mga palaisdaang mahigit sa isang ektarya ang laki ay ginagamitan ng mga malalaking makinarya sa paghuhukay. Sa mga maliliit na palaisdaan, iminumungkahi ang manu-manong paggawa. Mula sa ibabaw ng dike, sapat na ang lalim na isa at kalaha�ng metro para sa isang maliit na palaisdaan. Ang kanal na dinadaluyan ng tubig ay kailangang mas malalim kaysa sa palaisdaan para sa mabilis na pagbabawas ng tubig dito. Isa rin sa mga mahahalagang aspeto sa paggawa ng palaisdaan ay ang paglalagay ng wastong istruktura na pumipigil o kumukontrol sa pagbabawas at pagpapadaloy ng tubig sa palaisdaan. Para sa pagbabawas ng tubig sa mga palaisdaang ang sukat ay mas maliit sa 500 m2, maglagay ng tubo na hugis “L” (Figure 10) sa pinakamababang bahagi nito. Ang culvert naman ay maaaring gami�n sa pagpapadaloy ng tubig sa loob ng palaisdaan. Para sa mga palaisdaang ang sukat ay higit sa 500 m2, naaangkop naman ang sluice gate, monk gate sa pagpapadaloy ng tubig sa labas at loob ng palaisdaan. 30 Pag-aalaga ng �lapya FIGURE 9 Paraan ng pagkuha ng sample ng lupa Isang halimbawa ng plano ng isang lokasyon kung saan kukuha ng sample ng lupa. Ang mga puntos na kinakatawan ng ��k “A” hanggang “L” ang kukunan ng mga sample sa pamamagitan ng pagpala ng lupa mula sa hukay na may luwang na 10 sen�metro at lalim na isang metro. Pagsamasamahin ang mga sample ng lupa mula sa mga nasabing puntos at ito ay kukunan ng isang sample na kakatawan sa buong lugar na paglalagyan ng fishpond. FIGURE 10 Halimbawa ng palaisdaang may hugis “L” na padaluyan ng tubig 31PPaagg--aaaallaaggaanngg��llaappyyaa Paghahanda ng palaisdaan (pond prepara�on) Ilang araw bago lagyan ng tubig ang palaisdaan, ihanda ito ayon sa mga sumusunod na hakbang: 1 Patagin ang ilalim ng palaisdaan. 2 Alisin sa pamamagitan ng paglason ang mga organismong hindi makabubu� sa palalakihing isda sa pamamagitan ng paggamit ng kemikal o likas na paraan katulad ng paglalagay ng tobacco dust, rotenone atbp. 3 Maglagay ng apog sa lupa kung kinakailangang iwasto ang asim o acidity (pH 6.5-pH 8) nito (Camacho 1977; Vera-Cruz 1995). 4 Maglagay ng pataba. Ayon sa rekomendasyon ng Bureau of Soils and Water Management, maglagay ng pataba sa palaisdaan. May dalawang uri ng pataba – (a) inorganiko o komersyal na uri, at (b) organiko. Mga halimbawa ng inorganikong pataba ay ang urea (46-0-0), ammonium sulphate, superphosphate (20% P2O5) at triple superphosphate (40% P2O5). Ang mga organikong pataba naman ay ang dumi ng mga hayop tulad ng manok, baboy, baka, kalabaw atbp. Iminumungkahing maglagay ng 50-100 kg/ha komersyal na pataba at 1000-2000 kg/ha organikong pataba sa palaisdaan. 32 Pag-aalaga ng �lapya 5 Sa unang tatlong araw, magpadaloy ng tubig sa palaisdaan hanggang sa lalim na 20 sen�metro. Hayaang maarawan at tubuan ng lumot. Dagdagan ng patubig hanggang umabot sa 0.75-0.80 metrong lalim sa ikatlong araw. Kung ang pinagmumulan ng tubig ay irigasyon, ilog o sapa, magpagawa ng imbakan ng tubig (reservoir) na may luwang na humigit-kumulang 25% ng buong lawak ng palaisdaan. Ito ay upang maka�yak na may sapat na tubig sa panahon ng pagpapalit o sa ano mang oras na kinakailangang iwasto ang kalidad nito. Ang imbakan (reservoir) ay maaaring lagyan ng ilang pirasong �lapya upang malaman kung ligtas sa lason ang tubig na padadaluyin sa palaisdaan. Pagpapalaki ng �lapya May tatlong paraan sa pagpapalaki ng �lapya sa palaisdaan ayon na rin sa uri ng pagkaing ibibigay dito. Kung ang pagkain ng isda ay mga likas na pagkain na tumubo sa palaisdaan matapos lagyan ng abono, ito ay �natawag na ekstensibong pamamaraan ng pagpapalaki (extensive pond culture). Kung bukod sa lumot ay bibigyan pa ang isda ng karagdagang pakain tulad ng pagkaing ar�pisyal (commercial formulated feeds na may 26 % crude protein), darak o rice bran (may 12% crude protein), lumang �napay, pakain sa manok (chicken feed), atbp., ang pamamaraang ito ay �natawag na malaintensibo (semi-intensive pond culture). Sa mala-intensibong paraan, ang karagdagang pakain o supplemental feed ay ibinibigay dalawang beses isang araw sa daming 2-3 porsiyento ng kabuuang �mbang ng mga isda. Ang pang-araw-araw na rasyon ng karagdagang pakain ay iniaayon din sa dami ng pakain na kayang ubusin ng isda sa maghapon. Ang ikatlong pamamaraan naman ay ang �natawag na intensibo (intensive pond culture). Katulad ng intensibong pamamaraan sa tangke, ang pagsasagawa nito sa palaisdaan ay nangangahulugan ding buo o 100% na umaasa ang mga alagaing isda sa komersiyal na pagkain. Kailangan din dito ng masusing pagbabantay sa kalidad ng tubig at ang paggamit ng mga paddlewheels para sa karagdagang oksiheno. 33Pag-aalaga ng �lapya Ang dami ng similya na maaaring palakihin sa palaisdaan ay naaayon sa mga pamamaraang gagami�n sa pagpapalaki. Ang inirerekomendang dami ng similya ay 10,000-30,000 bawat ektarya (sa 25-50 gramong laki ng bawat similya) sa ekstensibong pamamaraan. Kung magbibigay naman ng karagdagang pakain o supplemental feed, maaaring maglagay ng 30,00060,000 similya bawat ektarya sa palaisdaan. Samantala, ang dami ng similyang maaaring ilagay sa palaisdaang intensibo ang pamamaraan ng pagpapalaki ay maaaring umaabot ng hindi kukulangin sa 100,000 piraso bawat ektarya. Pangangalaga sa kalidad ng tubig Ekstensibong pamamaraan Para mapana�ling malinis at ligtas ang tubig sa mga organismong nagdudulot ng sakit sa alagang isda, palitan ang 50 porsiyento ng tubig tuwing ikalawang buwan. At upang mapana�li naman ang dami ng natural na pagkain sa tubig, dapat maglagay ng organikong abono [kalaha� ng dami ng abono na inilagay sa unang aplikasyon (basal) na 500 kg/ha] sa palaisdaan minsan sa isang buwan (Figure 11). Pamamaraang mala-intensibo Ang pamamaraang ito ay nangangailangan ng malimit na pagpapalit ng tubig. Tiyakin na wasto ang paglalagay ng mga daluyan ng tubig sa palaisdaan. Padaluyin ang tubig sa palaisdaan minsan sa isang buwan. Ipinapayo ang mas madalas na pagpapalit ng tubig lalo na kung maraming �rang karagdagang pakain (supplemental feed) at dumi ng isda na naiipon sa ilalim ng palaisdaan. Ito ay ginagawa upang maiwasan ang biglang pagbaba ng oksiheno (dissolved oxygen) at pagtaas ng konsentrasyon ng mga nakalalasong elemento o kemikal sa tubig katulad ng amonya, sulfides, atbp. Ang mga nabanggit na kemikal ay nakasasama sa isda at maaaring maging sanhi ng maramihang pagkamatay nito. Intensibong pamamaraan Ang intensibong pamamaraan ng pagpapalaki ng �lapya sa palaisdaan ay karaniwang naglalagay ng mula 60,000-120,000 piraso/ektarya o 8-12 piraso ng �lapya bawat metro kwadrado ng palaisdaan. 34 Pag-aalaga ng �lapya Sa naturang pamamaraan, kailangan ang masusing pagbabantay sa kalidad ng tubig lalong-lalo na kung nalalapit na ang anihan. Karaniwang ginagawa sa ganitong pamamaraan ang maramihang pagbibigay ng pagkain sa mga alagaing isda sa tuwing nalalapit ang pag-aani. Ang malawak na kaalamang teknikal sa wastong pagpapakain at pagmamaniobra ng kalidad ng tubig ay importante upang maiwasan ang maramihang pagkamatay ng mga isda. Iminumungkahi ang paglalagay ng kagamitan tulad ng paddlewheels upang makatulong sa pagpapana�li sa tamang antas ng oksiheno (dissolved oxygen) sa tubig. Ang palagiang pagpapapasok ng sariwang tubig ay dapat ring isaalang-alang. FIGURE 11 Mga paraan ng paglalagay ng pataba sa palaisdaan ihip ng hangin 0.2 metro ibabaw ng tubig katas ng organikong pataba ihip ng hangin organikong pataba 35Pag-aalaga ng �lapya Pag-aani Ang pag-aani ng isda ay maaring isagawa kung ang mga ito ay umabot na sa wastong laki o �mbang at maaari nang ipagbili sa pamilihan (5-10 pirasong isda sa isang kilo o 100-200 g bawat isda). Ang dalawang paraan sa pag-aani ng �lapya ay ang mga sumusunod: Lahatang pag-aani o paghuhuli (total harves�ng) Ito ay karaniwang ginagawa tuwing ika-anim na buwan mula sa paghuhulog ng similya. Pagsapit ng anihan, hinuhuli lahat ng isda – maliit man o malaki. Ang pag-aani ay isinasagawa sa pamamagitan ng ganap na pagpapatuyo ng palaisdaan (total draining). Piling pag-aani (selec�ve harves�ng) Ginagawa lamang ito kung ang pangangailangan ng pamilihan ay hindi gaanong marami. Isinasagawa ang pag-ani pagkaraan ng apat na buwan mula sa paghuhulog ng similya. Mula sa unang paghango, maaaring mag-ani muli pagkalipas ng dalawa o apat na linggo. Pinipili lamang ang mga malalaking isda sa pamamagitan ng pagpupukot. Ang mga maliliit na isda ay hinahayaang lumaki para sa susunod na pag-ani. Ang pamamaraang ito ay nagkakaroon ng nega�bong epekto sa produksyon sa pagtagal ng panahon, sapagkat maaring ang na��rang maliliit na isda ay talagang hindi na lalaki kahit husto sa gulang at maaari ring karamihan dito ay mga anak (recruits) ng orihinal na stock. Alin man sa mga nabanggit na pamamaraan ay maaaring gami�n ayon sa nais ng may-ari o namamahala. 36 Pag-aalaga ng �lapya Mga paraan upang pataasin ang ani ng �lapya Ang tradisyunal na pamamaraan tulad ng ekstensibong pag-aalaga ay nakakaani ng halos 3 tonelada mula sa bawat hektarya ng palaisdaan sa loob ng 4-6 na buwan. Ito ay madadagdagan kung papalitan ang ekstensibong pamamaraan ng mala-intensibo o intensibong sistema ng pag-aalaga. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtataas ng panimulang dami ng isda (ini�al stocking density) at pagbibigay ng karagdagang pakain. Dito ay nakakaani ng mula 6-15 tonelada bawat hektarya ng palaisdaan sa mas maikling panahon na 4-5 buwan ng pag-aalaga. Ngunit ang mga pamamaraang ito ay nangangailangan din ng dagdag na puhunan at nangangahulugan ng mas komplikadong operasyon sa palaisdaan at sa mga alagaing isda. Ang mga sumusunod ay ang iba’t-ibang pamamaraang maaaring gami�n upang tumaas ang produksyon ng isda sa palakihan. 1 Pag-aalaga ng �lapya na puro lalaki o puro babae lamang (monosex culture) Dahil sa obserbasyong mas mabilis lumaki at bumigat ang mga lalaking �lapya, may ilang nag-aalaga ng �lapya ang nagsasagawa ng monosex culture. Sa pag-aalaga ng �lapya na puro lalaki, naiiwasan ang mabilis na pagdami ng mga �lapya sa palaisdaan na siyang nagiging sanhi ng kompe�syon sa pagkain at espasyo at pagkabansot ng mga ito. Mga paraan ng pagsasagawa ng monosex culture: Manual sexing - ito ay ang pagpili ng mga lalaking �lapya sa pamamagitan ng pagsusuri ng kanilang kasarian. Ang ka�yakan ng ganitong pamamaraan ay naaayon sa kaalaman ng tagapili. Naaangkop ang ganitong paraan kung kaun� lang ang bilang ng isdang palalakihin sa palaisdaan sapagkat habang mas marami ang bilang ng isdang pagpipilian at palalakihin ay mas mataas din ang bahagdan ng pagkakamali sa pagpipili. 37Pag-aalaga ng �lapya Sex reversal - ito ay isang pamamaraan ng pagpapalit ng kasarian ng mga alagaing �lapia sa pamamagitan ng pagbibigay ng hormone tulad ng methyltestosterone upang maging lalaki ang mga isdang likas na babae. Ang hormone ay inilalagay sa pagkain ng mga bagong pisang binhi (may gulang na 3-5 araw) at ipinapakain ito sa loob ng 30-45 araw. Mula 95-100% ng produkto ng ganitong paraan ng pagpapalit ng kasarian ay nagiging lalaki. YY supermale - isang paraan ng pagpaparami ng �lapya na ang lahat ng iaanak ay puro lalaki. Ang pamamaraang ito ay nangangailangan ng kasanayan at malalim na kaalamang teknikal. Kapag ninais ng isang mangangalaga ang gumamit ng mga isdang produkto ng teknolohiyang ito, iminumungkahing sumangguni sa ahensiya (PhilFishGen) na nagsagawa ng pananaliksik ukol rito. Sila rin ang nakapagbibigay ng kaukulang pahintulot at lisensiya sa mga hatchery na nais magpaanak ng mga inahing isda na nakapagbibigay ng mga similyang puro lalaki. Hybridiza�on - ang pagpaparis ng dalawang uri ng �lapya na ang nagiging anak ay puro lalaki. Sa pamamaraang ito, kailangang �yakin ang pagiging puro ng lahi ng mga �lapyang pagpaparisin. Karaniwang pinagpaparis ay ang mga sumusunod: Magulang na babae O. mossambicus O. nilo�cus O. spilurus niger O. nilo�cus Magulang na lalaki O. u. hornorum O. u. hornorum O. u. hornorum O. aureus Reference Hickling (1960) Pruginin (1967) Pruginin (1967) Fishelson (1962) May mga nag-aalaga ng �lapya na mas pinipili ang puro babaeng �lapya lamang. Ayon sa kanila, ang babaeng �lapya ay higit na may mas malaking porsiyento ng laman (fillet yield) kumpara sa mga lalaking �lapya na malaki lamang �ngnan ngunit mas manipis ang katawan. 2 Pag-aalaga ng mga pinahusay o pinagandang lahi ng �lapia (gene�cally improved strain) Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpili sa magagandang katangian ng �lapya tulad ng bilis na paglaki, resistensiya sa sakit at kakayahang lumaki sa kaun�ng pagkain. Sa pamamagitan ng tamang programa ng pagpapaanak ng �lapya, ang husay o kalidad ng mga similya ay napapana�li hanggang sa mga susunod na salinlahi. 38 Pag-aalaga ng �lapya Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng manwal, may mga ahensiyang namamahagi ng mga mahuhusay na lahi ng �lapya. Ilan sa mga ito ay ang GIFT Founda�on Interna�onal Inc. (GIFT strain), Genomar (GST), PhilFishGen (YY supermale), FYD Interna�onal (jewel �lapia), at BFAR (GET-EXCEL, molobicus atbp.) Sa SEAFDEC, mayroon ding lahi ng �lapya (SEAFDEC strain �lapia) na pinainam sa pamamagitan ng selec�ve breeding o piling pagpaparis. Ngunit sa halip na paramihin lamang ang mga ito at ipamahagi, isinusulong ng SEAFDEC ang pagtuturo ng mga tamang programa ng pagpili (selec�on program) na simple, angkop at maaaring isagawa ng mga nag-aalaga ng �lapya sa sarili nilang palaisdaan o paanakan. Pag-iimpake at pagbibiyahe sa mga naaning �lapya Upang maka�yak sa kasariwaan ng inaning isda pagda�ng sa pamilihan, nararapatlamangnaito’yiimpakenangwastobagoibiyahe.Isangpamamaraan ng pag-iimpake ay ang paglalagay ng yelo sa mga isda sa banyera kung saan ang mga panindang isda ay �natawag sa wikang Ingles na freshly chilled. At dahil maunlad na ang industriya ng pangisdaan, may makabagong paraan na rin sa pag-iimpake ng mga isda. Ito ay ang paglalagay ng mga buhay na �lapya sa mga tangkeng may aera�on (aparato para sa hangin) na nakalagay sa trak na pambiyahe (tulad ng nasa larawan). Sa ganitong pamamaraan, ang mga isdang bagong ani ay naipapamahagi sa mga pamilihan sa kanilang pinakasariwang kalagayan – buhay (live). 39Pag-aalaga ng �lapya May kita ba sa pag-aalaga ng �lapya? Matapos malaman ang teknolohiya at iba’t-ibang pangangailangan sa pagaalaga ng �lapya, mainam na malaman rin kung may kita rito. Nakatala sa ibaba ang halimbawa ng pagtaya ng mga gastusin at pakinabang pinansiyal ng isang intensibong sistema ng operasyon sa pag-aalaga ng �lapya sa palaisdaan. TILAPIA POND CULTURE (Produksyon kada ani = 3,187.5kg/1500 m2 palaisdaan) Mga teknikal na kunsiderasyon Uri ng �lapya Laki ng palaisdaan Pagkukunan ng tubig Dami ng isda na palalakihin Laki ng isdang ihuhulog sa palaisdaan at aalagaan Sistema ng pag-aalaga Haba ng panahon ng pagaalaga Paraan ng pamamahala ng tubig Paraan ng pagpapakain Halaga ng aanihing isda Paraan ng pag-ani Kabuuang dami ng stock Kabuuang dami ng buhay na �lapya na maaring anihin makaraan ng 3 buwan Kada palaisdaan Nilo�ca o plapla 1500 metro kwadrado Deep well/bukal 10 piraso/metro kwadrado 30-50 gramo bawat isa (advance fingerlings) intensibo Tatlong buwan Flushing/ flow-through Hanggang mabusog (sa�a�on) P50/kg Lahatang ani (total harves�ng) 15,000 12,750 piraso (85% recovery) Karaniwang �mbang ng aning isda (average weight) 250 g/piraso Pitong palaisdaan Nilo�ca o plapla 10,500 metro kwadrado Deep well/bukal 10 piraso/metro kwadrado 30-50 gramo bawat isa (advance fingerlings) Intensibo Tatlong buwan Flushing/ flow-through Hanggang mabusog (sa�a�on) P50/kg Lahatang ani (total harves�ng) 105,000 89,250 piraso (85% recovery) 250 g/piraso 40 Pag-aalaga ng �lapya Kabuuang �mbang ng mga aning isda FCR o feed conversion ra�o Kabuuang dami ng pakain na kailangan Halaga ng pakain Kabuuang halaga ng pakain Halaga ng benta (kung lahat ng isda ay naibenta) 3,187.5 kg 1.6 (2,805kg) 2,805 kg o 112 sako P450/sako P50,400.00 P159,375.00 22,312.5 kg 1.6 (19,162.5kg) 30,660 kg o 1,226.4 sako P450/sako P551,880.00 P1,115,625.00 Sa ganitong operasyon, maaring kailangang maglaan pa ng pondo sa upa ng palaisdaan kung ito ay hindi ninyo sariling pag-aari. Ang upa ay maaring nagkakahalaga ng P5000 bawat hektarya bawat buwan. Bukod sa upa, maaring magastos sa bawat siklo ng ani ay nakatala sa ibaba: Tan�ya ng gastusin bawat isang siklo ng ani (per cropping) Gastusin (cost) Pakain Similya (advance fingerlings) Pangman�ne (10% of variable) Sweldo o sahod Upa sa lupa (lease) Transportasyon Krudo at kuryente Pataang gastusin (10%) Bawat palaisdaan 50,400.00 15,000.00 3,500.00 5,000.00 3,000.00 2,500.00 20,000.00 9,500.00 (con�ngencies) Kabuuang gastos P95,900.00 Pitong palaisdaan 551,880.00 105,000.00 13,000.00 20,000.00 60,000.00 10,000.00 40,000.00 78,600.00 P786,000.00 Tan�ya ng gastos at kita bawat isang siklo ng ani (per cropping) Halaga ng benta Bawas na gastos Pakain Similya (advance fingerlings) Pangman�ne (10% of variable) Sweldo o sahod Upa sa lupa (lease) Transportasyon Krudo at kuryente Pataang gastusin (10%) (con�ngencies) Kabuuang gastos Kita Balik sa puhunan (%) (ROI) Bawat palaisdaan 159,375.00 50,400.00 15,000.00 3,500.00 5,000.00 3,000.00 2,500.00 20,000.00 9,500.00 95,900.00 P63,475.00 41.93% Pitong palaisdaan 1,115,625.00 551,880.00 105,000.00 13,000.00 20,000.00 60,000.00 10,000.00 40,000.00 78,600.00 786,000.00 P329,625.00 41Pag-aalaga ng �lapya Pamamahala ng kalusugan ng �lapya Ang pagkakaroon ng sakit ng mga isda sa kahit anong sistemang pangakwakultura ay kinabibilangan ng tatlong bagay: (a) ang alagaing isda; (b) ang mga organismong nagdudulot ng sakit at (c) ang kapaligiran. Kasama na rito ang mga kundisyon na nakapagdudulot ng stress o pagod sa isda (halimbawa, hindi magandang kalidad o di kaya’y kakulangan ng oksiheno sa tubig, sobrang pagpapakain atbp.) na nakakaapekto sa pag-aalaga ng isda. Nagkakaroon ng sakit kung ang mga organismong sanhi ng sakit ay matatagpuan sa mga isdang mahina ang resistensya at ang paligid ay may mga kundisyong maaaring makapagpapalala ng epekto ng sakit o makapagpapahina ng resistensiya ng isda laban sa sakit. Maraming mga sintomas o palatandaan ang makikita sa �lapyang maysakit. Nariyan ang ang kawalang-gana nito sa pagkain, mga di-pangkaraniwang pagiiba ng kulay at ugali (halimbawa, ang pagiging mapag-isa ito o ang paglangoy ng isda sa gilid o malapit sa ibabaw ng tubig). Minsan, mapapansin ang kakaibang paglangoy o kawalan ng balanse ng isda sa paglangoy. Bukod dito ay may mga sintomas din tulad ng mga sugat at mga di-pangkaraniwang sakit sa balat ng isda o di-kaya’y may mga parasi�kong nakakabit sa balat nito. Kung ihahambing sa ibang uri ng isda, sinasabing ma�bay sa sakit ang �lapya. Ngunit ayon sa mga nabanggit, marami ring mga sakit ang maaaring makaapekto sa itlog, binhi, similya at sa malalaking �lapya at kung mapabayaan ang mga ito ay maaaring magkaroon ng malawakang pagkamatay. Mahalaga lamang na laging pangalagaan nang mabu� ang kapaligiran (tubig, pakain at dami ng isda sa palakihan) kung saan ito binubuhay. 42 Pag-aalaga ng �lapya Ilan sa mga sakit ng �lapya ay ang mga sumusunod (halaw sa Lio-Po et al. 2001) : Sakit (sanhi) Spinning �lapia syndrome o ST (Iridovirus) Edwardsiella sep�caemia o edwardsiellosis (bakteryang Edwardsiella tarda) Sintomas sa binhi o similya: • paglangoy ng paikot-ikot, pababa, paibabaw at kalaunan ang pagpirmi malapit sa pinaka-ibabaw ng tubig • madalas at kakaibang pagsinghap-singhap • walang gana sa pagkain • kadalasan mas mai�m ang katawan kaysa sa likas nitong kulay • namamatay sa loob ng 24 oras • maliliit (3-5 mm) na mga sugat sa balat sa itaas na gilid ng katawan (hanggang sa likod at ito ay nagiging nana • nawawalan ng kulay ang balat • pamamaga ng atay at bato Paraan ng pag-iwas/lunas wala • painamin ang kalidad ng tubig sa alagaan • bawasan ang dami ng isda • maglagay ng oxytetracycline sa tubig, 55 mg sa bawat kilo ng isda, sampung araw Pseudomonad sep�caemia o red spot disease (mga bakteryang Pseudomonas fluorescens, P. anguillasep�ca at P. chlororaphis) • pagdurugo sa balat sa paligid ng bibig, sa takip ng hasang at sa gilid at ibaba ng katawan, malapit sa bahagi ng �yan • siguraduhin ang mainam na kalidad ng tubig • bawasan ang dami ng isda sa alagaan • ilipat ang isdang maysakit; hayaan ito ng dalawang linggo sa tangke na may tubig na ang temperatura ay 26-27°C 43Pag-aalaga ng �lapya Sakit (sanhi) Streptococcus Sintomas • may kakaibang galaw sa paglangoy • umii�m ang katawan • napipinsala ang isa o parehong mata; lumalabo o namumu� ang cornea ng mata • nagdudugo ang takip ng hasang at palikpik • nagsusugat ang ilang bahagi ng katawan; ang mga sugat ay namamaga • nahihirapang huminga • naapektuhan ang orientasyon sa tubig • pagkabulag Saprolegniosis o saprolegniasis (fungus na Saprolegnia spp., Achyla spp. at Aphanomyces spp.) • pagkakaroon ng mala-“bulak” na kumpol na tumutubo sa mga itlog ng �lapya; sa malalaking isda makikita ito sa takip ng hasang, mata at butas ng ilong • humihina ang resistensya at madaling mapagod • nawawalan ng balanse o oryentasyon sa tubig lalo na bago ito tuluyang mamatay Paraan ng pag-iwas/lunas • iwasan ang pagsisiksikan ng maraming isda sa isang alagaan • huwag bigyan ng pagkain sa dami na higit sa kaya nitong kainin • iwasan ang pagbibiyahe o paglilipat • alisin at patayin agad ang mga isdang may impeksyon upang maibsan ang paglala at pagkalat ng sakit sa ibang malulusog na �lapya • maglagay ng erythromycin 25-50 mg sa bawat kilo ng isda, 4-7 araw • paggamit ng mga chemotherapeutant (zinc-free malachite green, asin o formalin) na inihahalo sa water bath para gumaling ang mga isdang maysakit 44 Pag-aalaga ng �lapya Sakit (sanhi) Sintomas Ichthyophthiriasis “Ich” o white spot disease (parasi�kong ciliate na Ichthyophthirius mul�filis) • may pu�ng bilog na mga ba�k-ba�k (pugad ng ciliate) sa balat at hasang • walang ganang kumain • nanghihina • namumu� at may dugo ang mga mata • lumilikha ng maraming mucus at madalas na kinikiskis ng isda ang kanilang katawan sa mga gilid at ilalim ng tangke Pinsala dulot ng parasi�kong Trichodina, Trichodinella o Tripar�ella • pagkapit ng parasi�ko sa takip ng hasang at balat ng isda • mukhang mahina • malakas maglikha ng mucus • sira ang mga palikpik • kapag maraming nakakapit sa �lapya, nahihirapan itong huminga • kadalasan madaling maapektuhan ang maliliit na �lapya. Paraan ng pag-iwas/lunas • itaas ang temperatura ng tubig sa 30°C, anim na oras araw-araw mula 3-5 na araw • ilagay ang isda sa tubig na may 0.05% na �mplang alat o salt solu�on • ibabad ang isda sa 100 ppm na formalin sa loob ng isang oras, 2-3 araw • paggamot sa 25 ppm formalin at 0.1 ppm ng malachite green • paglipat ng isdang apektado sa malinis na tangke na walang parasi�ko, 2-3 na beses sa loob ng tatlong araw • ilagay ang isda sa tubig na may 2-3% na alat (2-5 minuto, 3-4 na araw para sa binhi o similya ng �lapya) • o ilagay sa 100 ppm na formalin at 10 ppm na Acriflavin (isang oras, sa loob ng tatlong araw na gamutan) 45Pag-aalaga ng �lapya Sakit (sanhi) Pinsala dulot ng mga flatworm na monogenean (Gyrodactylus, Dactylogyrus atbp.) Pinsala dulot ng mga “kuto” (Argulus, Alitropus, “anchor worm” o Lernaea) Sintomas • ang mga parasi�ko ay nakakapit sa hasang, palikpik at katawan ng �lapya • may kakaibang maputlang kulay ng katawan • hasang ay lumilikha ng maraming mucus • sira-sirang palikpik • mapu�ng cornea ng mata • naapektuhan ang paghinga ng isda dahil sa dami ng parasi�kong nakakapit dito • makikitang nakakapit ang parasi�ko sa iba’t ibang bahagi ng �lapya (sa hasang, sa balat, palikpik o di kaya’y sa loob ng bibig) Paraan ng pag-iwas/lunas • palanguyin ang isda sa tubig na may 5% na asin sa loob ng 5 minuto; maaari ring gumamit ng 100 ppm na formalin, 1 oras sa loob ng 3 araw • palanguyin ang apektadong isda sa tubig na may halong mga chemotherapeutant (hal., sa 1 ppm Dipterex, 3-6 oras para matanggal ang Argulus; sa tubig na may 3-5% na asin para sa Lernaea; 200 ppm formalin bath para sa Alitropus) 46 Pag-aalaga ng �lapya Mga tanggapang nagsasaliksik sa �lapya Para sa iba pang mga katanungan na nauukol sa �lapya at mga bagay na may kinalaman sa pag-aalaga at pagpaparami nito, makipag-ugnay sa mga sumusunod na ahensiya: 1 Southeast Asian Fisheries Development Center1 Aquaculture Department (SEAFDEC/AQD) Binangonan Freshwater Sta�on Tapao Point, Binangonan 1940 Rizal Telefax (02) 2893687 mlcaralar@aqd.seafdec.org.ph 2 Department of Agriculture Bureau of Fisheries and Aqua�c Resources (BFAR) Philippine Coconut Authority (PCA) Building, Ellip�cal Road, Diliman, Quezon City BFAR Na�onal Freshwater Fisheries Technology Research Center (BFAR-NFFTRC)2 Central Luzon State University Compound Muñoz 3120 Nueva Ecija 3 University of the Philippines Ins�tute of Biology, College of Science UP Diliman 1101 Quezon City Tel (02) 9205471 Ins�tute of Biological Sciences UP Los Baños 4031 Laguna Brackishwater Aquaculture Center (BAC) UP in the Visayas, Leganes, Iloilo 47Pag-aalaga ng �lapya 4 Central Luzon State University Freshwater Aquaculture Center Muñoz 3120 Nueva Ecija Phil-FishGen3 Freshwater Aquaculture Center Muñoz 3120 Nueva Ecija Tel (044) 4560682 Fax (044) 4560683 p-fishgn@mozcom.com 5 Laguna Lake Development Authority 3/F Provincial Capitol Building Bo. Capitolyo, City of Pasig Tel (02) 6312587 6 Philippine Council for Aqua�c and Marine Research and Development (PCAMRD) Rm 205, PTRI Bldg. Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig, Metro Manila Tel (02) 8371331 7 Aqua�c Biosystems4 Calauan, Laguna 8 Bioresearch5 Dr. A Santos Ave. Sucat, Paranaque City 9 GIFT Founda�on Interna�onal Inc.6 Center for Applied Fish Breeding and Gene�cs Research CLSU Campus Muñoz 3120 Nueva Ecija Tel (044) 4560673 48 Pag-aalaga ng �lapya 10 FYD Interna�onal Corpora�on7 VY Domingo Bldg. 6th St. Bacolod City 6100 Tel (034) 4339501 Fax (034) 4339507 fyd@mozcom.com 11 World Fish Center - Philippines Khush Hall, IRRI College Los Baños 4031 Laguna Tel (63-49) 5362701 Fax (63-49) 5360202 worldfish-philippines@cgiar.org _____________________________________________ 1 May programa sa pagsasanay sa pag-aalaga ng mga isda sa tubig tabang (Freshwater Aquaculture Training Program) para sa pribadong sektor at mga manggagawa sa mga ahensiya ng pangisdaan 2 Namamahagi ng similya ng �lapya sa mga mangingisda 3 Namamahagi ng �lapyang GMT (gene�cally male �lapia) o YY supermale 4 Namamahagi ng SRT (sex reversed �lapia) 5 Namamahagi ng red �lapia 6 Namamahagi ng �lapyang GIFT (gene�cally improved farmed �lapia) 7 Namamahagi ng jewel �lapia 49Pag-aalaga ng �lapya Talasalitaan caudal fin – buntot ng isda dietary protein – pro�nang sangkap ng pagkain na mahalagang sa pagpapalaki ng isda disease resistance – likas na kakayahan ng isda na labanan o iwasan ang pagkakasakit dissolved oxygen – oksihenong inihihinga ng isda para mabuhay dorsal fin – palikpik sa likod ng isda extensive pond culture – pamamaraan ng pag-aalaga ng isda na umaasa lamang sa likas na pagkaing matatagpuan sa palaisdaang nilagyan ng abono formulated feeds – mga pagkaing ar�pisyal na ginawa mula sa mga sangkap na mura, masustansiya at mahalaga sa pagpapalaki ng isda gene�cally improved farmed �lapias (GIFT) project – isang proyektong unang inilunsad ng mga ahensiyang kinabibilangan ng ICLARM, BFAR-NFFTRC, FAC-CLSU, UPMSI at AKVAFORSK kung saan ang lahi ng nilo�ca ay pinagbu� sa pamamagitan ng pagpapaanak ng mga piling inahing nagmula sa mga diumano’y pinakamahusay na uri ng nasabing isda gene�cally improved strain – lahi ng organismo na pinagbu� ang mga katangiang kaugnay sa paglaki, pag-aanak, resistensiya sa sakit, kulay atbp. na ginawa sa pamamagitan ng mga pamamaraang biolohikal o gene�k (pagpaparis, pamimili ng mahusay na pamamaraan ng pagpapaanak o selec�ve breeding, atbp.) gene�cally male �lapia (GMT) o YY supermale – ang �lapyang ito ay produkto ng teknolohiya kung saan ang kasarian ng �lapya ay “pinapalitan” sa pamamagitan ng mga pamamaraang biolohikal (gene�c manipula�on at pagpaparis) hybrid – ito ay produkto ng pagpaparis ng dalawang magkaibang lahi ng �lapya (halimbawa, nilo�ca at mossambika atbp.) hybridiza�on – pamamaraan ng pagpaparis ng dalawang magkaibang lahi ng isda na ang layunin ay mapainam ang mga katangian nito 50 Pag-aalaga ng �lapya jewel �lapia – isang uri ng �lapya na sinasabing mabilis lumaki sa tubig alat. Ang �lapyang ito ay produkto ng pagpaparis ng dalawang lahi ng �lapya (Oreochromis urolepis hornorum at Oreochromis mossambicus) Ang jewel �lapia ay nanganganak ng mga �lapyang puro lalaki lamang komersyal na abono o pataba – kemikal na nagtataglay ng mga mahahalagang sustansiya para sa lupa o tubig monosex culture – isang pamamaraan ng pagpapalaki ng mga �lapya batay sa pananaliksik na mas mabilis lumaki ang lalaki kaysa babaeng �lapya. Iminumungkahi nito ang pagpapalaki nito ang pagpapalaki ng mga �lapyang puro lalaki lamang mutant – isang isda o organismo na may kakaibang kulay o anyo nursery system – aspeto ng aquakultura na tumatalakay sa pagpapalaki ng mga bagong pisang isda mula sa hatchery o paanakan nutri�on – sangay ng pag-aaral ng wastong dami at pamamaraan ng pagpapakain, paggawa ng pagkaing may mga sangkap na masustansiya, at pagbibigay ng sapat na dami ng pagkain, paghanap ng murang sangkap sa masustansiyang pagkain phytoplankton – mga maliliit (mikroskopiko) na organismong halaman na tumutubo sa tubig; ito ay nagsisilbing pagkain ng mga organismong hayop (zooplankton) at isda produc�vity – kakayahan ng lawa, palaisdaan o la�an na sumuporta at magpalaki ng laman nitong mga organismo par�kular na ang isda; ito ay nasusukat sa dami ng likas na pagkain na natatagpuan sa lugar at sa uri o kalidad ng tubig recruits – karagdagang bilang ng isdang naaani o nahuhuli matapos ang panahon ng pag-aalaga; ito ay ang mga anak ng orihinal na isdang inilagay sa palaisdaan upang palakihin semi-intensive pond culture – paraan ng pag-aalaga o pagpapalaki ng isda sa pamamagitan ng pagpapataba sa tubig at pagbibigay ng suplementong pagkain sex-reversed �lapia (SRT) – isang uri ng �lapya kung saan ang kasarian ng mga isda ay “binago” sa pamamagitan ng paraang kemikal. Binibigyan ang mga similya ng pagkaing may sangkap na hormone (methyltestosterone) upang ang mga isda ay maging puro lalaki 51Pag-aalaga ng �lapya sluice gate – isang uri ng istruktura na ginagamit sa pagkontrol ng pagdaloy ng tubig sa loob at labas ng palaisdaan supplemental feed – karagdagang pagkaing ibinibigay sa isda upang punuan ang kakulangan sa likas na pagkain na matatagpuan sa tubig transport stress – kundisyon ng isda na dulot ng hirap sa pagbibiyahe; nagiging sanhi ito upang madaling kapitan ng sakit at mamatay ang mga similya o inahing ibiniyahe zooplankton – maliliit na organismong hayop na nasa tubig; tulad ng phytoplankton, ito’y nagsisilbi ring pagkain ng mga malalaking organismo sa tubig gaya ng isda 52 Pag-aalaga ng �lapya Mga mahahalagang babasahin Asian Development Bank 2005. An impact evalua�on of the development of gene�cally improved farmed �lapia and their dissemina�on in selected countries. ADB 124p Baroiller JF and Toguyeni A. 1996. Compara�ve effects of a natural androgen, 11Bhydroxyandorstenedione, and a synthe�c androgen, 17 methyltestosterone, on the sex ra�os of Oreochromis nilo�cus, p. 238-245. In RSV Pullin, J. Lazard, M Legendre, JB Amon Kothias and D. Pauly (eds). The Third Interna�onal Symposium on Tilapia in Aquaculture. ICLARM Conference Proceedings 41, 575p Basiao ZU, Arago AL and Doyle RW. 2005. A farmer-oriented Nile �lapia Oreochromis nilo�cus L. breed improvement in the Philippines. Aquaculture Research 36:113-119 Basiao ZU and San Antonio A. 1986. Growth and survival of Nile �lapia fingerlings in net cages without supplemental feed in Laguna Lake, Philippines. P. 533538. In: JL Maclean, LB Dizon, LV Hosillos (eds) The First Asian Fisheries Forum. Asian Fisheries Society, Manila, Philippines Basiao ZU and Doyle RW. 1999. Test of size-specific mass selec�on for Nile �lapia, Oreochromis nilo�cus L. cage farming in the Philippines. Aquaculture Research 30:373-378 Bau�sta AM. 1984. Tilapia cage farming in lakes. Aquaculture technology module no. 1. SEAFDEC/AQD Extension Manual, SEAFDEC Aquaculture Department, Tigbauan, Iloilo, Philippines, 28p BFAR 2006. 2005 Philippine Fisheries Profile. 70p Camacho AS 1977. Implica�ons of acid sulfate soils in tropical fish culture. In: Technical Report on the Joint SCSP/SEAFDEC Regional Workshop on Aquaculture Engineering. Vol.2. pp.97-102 Eguia MRR and Eguia RV. 1993. Growth and response of three Oreochromis nilo�cus strains to feed restric�on. The Israeli Journal of Aquaculture – Bamidgeh 45(1):8-17 Feed Development Sec�on 1994. Feeds and feeding of milkfish, Nile �lapia, Asian sea bass and �ger shrimp. SEAFDEC Aquaculture Department, Tigbauan, Iloilo, Philippines. 97pp 53Pag-aalaga ng �lapya Fishelson L. 1962. Hybrids of two species of the genus Tilapia (Cichlidae, Teleostei). Fisherman’s Bulle�n Haifa 4:14-19 Hickling CF. 1960. The Malacca Tilapia hybrids. J. Genet. 57:1-10 Pruginin Y. 1967. Report to the Government of Uganda on the experimental fish culture project in Uganda, 1965-66. FAO/UNDP (Technical Assistance). Reports on Fisheries. TA Reports 2446. 19p. FAO, Rome Pullin RSV. 1996. World �lapia culture and its future prospects, p. 1-16. In RSV Pullin, J Lazard, M Legendre and JB Amon Kothias and D. Pauly (eds). The Third Interna�onal Symposium on Tilapia in Aquaculture. ICLARM Conf. Proc. 41, 575p Richter H, Focken U, Becker K, San�ago CB and Afuang WB. 1999. Analysing the diel feeding pa�erns and daily ra�on of Nile �lapia, Oreochromis nilo�cus (L.), in Laguna de Bay, Philippines. J. Appl. Ichthyol., 15:165-170 Romana-Eguia MRR, Ikeda M, Basiao ZU, Taniguchi N. 2004. Gene�c diversity in farmed Asian Nile and red �lapia stocks evaluated from microsatellite and mitochondrial DNA analysis. Aquaculture 236:131-150 Romana-Eguia MRR, Taniguchi N. 2006. DNA markers help manage Nile �lapia stocks. Global Aquaculture Alliance Magazine July-Aug 2006 issue Romana-Eguia MRR and Doyle RW. 1992. Genotype-environment interac�on in the response of three Nile �lapia strains to poor nutri�on. Aquaculture 108:1-12 Romana-Eguia MRR and Eguia RV. 1999. Growth of five Asian red �lapia strains in saline environments. Aquaculture 173:161-170 San�ago CB, Reyes OS, Aldaba MB and Laron MA. 1986. An evalua�on of formulated diets for Nile �lapia fingerlings. Fish. Res. J. Philipp. 11:5-12 San�ago CB, Coloso RM, Millamena OM and Borlongan IG. 1994. Feeds for smallscale aquaculture. Proceedings of the Na�onal Seminar-Workshop on Fish Nutri�on and Feeds. SEAFDEC Aquaculture Department, Tigbauan, Iloilo, Philippines. 144p SEAFDEC/AQD. 2000. Advances in aquaculture research and development. Biennial Report 1998 and 1999. SEAFDEC Aquaculture Department, Tigbauan, Iloilo, Philippines. 32pp Vera-Cruz EM. 2000. Lecture Notes on Tilapia Grow-out Opera�on in Ponds. 2000 Training Course on Freshwater Aquaculture. SEAFDEC/AQD, Binangonan Freshwater Sta�on, Binangonan, Rizal, Philippines. 13pp 54 Pag-aalaga ng �lapya Pasasalamat Ang mga may-akda ay nais magpasalamat kina G. Armando Fermin, Bb. Milagros Castaños, G. Renato Agbayani, Bb. Marlene Sur�da, G. Rommel Guarin at Dr. Nerissa Salayo para sa kanilang mga payo at masusing pagsusuri sa manwal na ito. 55Pag-aalaga ng �lapya Ang mga may-akda RUEL V. EGUIA Si Ginoong Eguia ay isang Researcher na nagtapos ng kursong BSc. Inland Fisheries sa Central Luzon State University noong 1982. Siya ay may labingwalong taon nang naninilbihan sa SEAFDEC Aquaculture Department. Sa haba ng panahong ito, nagkaroon ng ibayong karanasan si Ruel sa pagpaparami at pagaalaga ng mga isdang tabang tulad ng karpa at �lapya. Bukod sa karanasan sa SEAFDEC ay natutunan din ni Ruel ang pamamaraan ng pag-aalaga ng �lapya sa pamamasukan niya sa iba’t-ibang pribadong paanakan at palakihan ng nasabing isda. Nagkaroon din siya ng pagkakataong matunghayan ang paraan ng pagaalaga ng �lapya sa ibayong dagat habang siya ay pansamantalang nagtrabaho bilang Fish Hatchery Supervisor sa Saudi Fisheries Company sa Dammam, Kingdom of Saudi Arabia. Bukod sa K.S.A., siya ay nagsanay sa Fish Gene�cs sa Canada noong 1990 at sa Freshwater Aquaculture sa Malaysia noong 1995. Tinapos ni Ruel ng kursong MSc. Aquaculture sa Universi� Putra Malaysia noong 1999. Sa kasalukuyan, siya ay nagsasagawa ng saliksik sa intensibong pag-aalaga ng �lapya sa mga tangke na ginagamitan ng tubig mula sa lawa ng Laguna. Si Ruel ay ak�bong nagtuturo ng pag��lapya bilang lecturer at prac�cal instructor sa kursong Freshwater Aquaculture sa SEAFDEC Aquaculture Department. MARIA ROWENA R. ROMANA-EGUIA Si Ginang Eguia ay nagtapos ng kursong BSc. Zoology sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1982. Nagsimula siyang magtrabaho sa SEAFDEC/AQD noon ding taong iyon. Sa pamamagitan ng isang scholarship grant mula sa Interna�onal Development Research Centre (IDRC) ng Canada ay kumuha si Weng ng kursong MSc. Gene�cs sa University of Wales, Swansea, United Kingdom noong 1984. Bukod sa Fish Gene�cs, may kaalaman din siya sa Biotechnology mula sa pagsasanay sa Japan at sa ilang lokal na mga ahensiya. Si Weng ay isang Associate Scien�st na nagsasagawa ng pananaliksik sa Tilapia Gene�cs. Ilan sa mga lathalaing nagawa niya ay tungkol sa mga paraan ng paghahambing at pagpili ng iba’t-ibang lahi ng nilo�ca at red �lapia. Nagtamo si Weng ng karangalan sa 9th Elvira O. Tan Memorial Awards para sa isa sa kanyang mga naisulat na lathalain. Ang parangal na ito ay iginawad ng Philippine Council for Aqua�c and Marine Research and Development (PCAMRD) noong 1995. Sa kasalukuyan, interesado si Weng na pag-aralan ang mga makabagong paraan sa pagpaparami ng similya ng �lapya sa mga paanakan upang maiangat ang produksyon nito. Bukod sa pagsasaliksik, naaatasan si Weng bilang lecturer sa aspeto ng pagaalaga at pagpapaanak ng �lapya sa kursong Freshwater Aquaculture na taunang isinasagawa ng SEAFDEC/AQD. Mga lathalain ng SEAFDEC AEM 16 Diseases of Penaeid Shrimps in the Philippines. CR Pitogo et al. (2000) 83 pp AEM 21 Feeds and Feeding of Milkfish, Nile Tilapia, Asian Sea Bass and Tiger Shrimp. Feed Development Sec�on 97 pp AEM 22 Pag-aalaga ng Tilapya. RV Eguia et al. (2007). 55 pp. 3rd ed. AEM 23 Pagpapaanak ng Tilapya. RV Eguia et al. (2007). 52 pp. 3rd ed. AEM 24 Grouper Culture in Brackishwater Ponds. DD Baliao et al. (1998). 18 pp AEM 26 Pen Culture of Mudcrab in Mangroves. DD Baliao et al. (1999). 10 pp AEM 29 Grouper Culture in Floa�ng Net Cages. DD Baliao et al. (2000). 10 pp AEM 30 Net Cage Culture of Tilapia in Dams and Small Farm Reservoirs. DD Baliao et al. (2000). 14 pp AEM 32 The Farming of the Seaweed Kappaphycus. AQ Hurtado, RF Agbayani (2000). 26 pp (in English or Filipino) AEM 33 Induced Breeding and Seed Produc�on of Bighead Carp. AC Gonzal et al. (2001). 40 pp AEM 34 Biology and Hatchery of Mud Crabs Scylla spp. ET Quini�o, FD Parado-Estepa (2003). 39 pp AEM 35 Best Management Prac�ces for Mangrove-Friendly Shrimp Farming. DD Baliao, S Tookwinas (2002). 50 pp (Filipino version also available) AEM 36 Tilapia Farming in Cages and Ponds (in print or CD). RV Eguia, MRR Eguia (2004). 40 pp AEM 37 Giant Clam Hatchery, Ocean Nursery and Stock Enhancement. SS Mingoa-Licuanan, E Gomez (2007). 109 pp AEM 38 Tilapia Broodstock and Hatchery Management. R Eguia, MRR Eguia (2007). 48 pp Proceedings of the Regional Technical Consulta�on on Stock Enhancement. JH Primavera, ET Quini�o, MR Eguia (eds.) (2006). 150 pp Seaweeds of Panay. AQ Hurtado et al. (2006). 50 pp 2nd ed. State of the Art Environment-Friendly Schemes in Intensive Shrimp Farming. DD Baliao (2000). 24 pp State of the Art Closed Recircula�ng Shrimp Farming System. S Tookwinas (2000). 28 pp Ecology and Farming of Milkfish. TU Bagarinao (1999). 117 pp Health Management in Aquaculture (textbook). GL Po et al., eds (2001). 187 pp Nutri�on in Tropical Aquaculture (textbook). OM Millamena et al., eds (2002) 221 pp Handbook of the Mangroves of the Philippines - Panay. JH Primavera et al., (2004). 106 pp Mangrove-Friendly Aquaculture (proceedings). JH Primavera et al., eds (2000). 217 pp Responsible Aquaculture Development in Southeast Asia (proceedings). LMB Garcia, ed (2001). 274 pp An Assessment of the Coastal Resources of Ibajay and Tangalan, Aklan. LMB Garcia, ed (2001). 60 pp Diseases in Farmed Mud Crabs Scylla spp.: Diagnosis, Preven�on and Control. CR Lavilla-Pitogo, LD de la Peña (2004). 89 pp (in print or CD) Diseases of Cultured Groupers. K Nagasawa, ER Cruz-Lacierda, eds (2004). 81 pp (in print or CD) Transboundary Fish Diseases in Southeast Asia: Occurrence, Surveillance, Research and Training (proceedings). CR Lavilla-Pitogo, K Nagasawa, eds (2004). 254 pp (in print or CD) Laboratory Manual of Standardized Methods for the Analysis of Pes�cide and An�bio�c Residues in Aquaculture Products. IG Borlongan, Chuan JNP (2004). 46 pp (in print or CD) Laboratory Manual of Standardized Methods for An�bicrobial Sensi�vity Tests for Bacteria Isolated from Aqua�c Animals and Environment. Ruangpan L, Tendencia EA (2004). 55 pp (in print or CD) Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa website ng SEAFDEC/AQD: www.seafdec.org.ph 59Pag-aalaga ng �lapya Tungkol sa SEAFDEC Ang Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC), isang pampurok na samahan, ay i�natag noong 1967 upang isulong ang pag-unlad ng pangisdaan sa Timog-silangang Asya. Ang mga bansang kasapi dito ay Brunei Darussalam, Cambodia, Hapon, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam. Ang SEAFDEC ay nananaliksik ng mga makabagong teknolohiya at wastong pamamaraan sa pangisdaan, nagsasanay sa mga teknisyan at manggagawa sa industriya ng akwakultura, at nagpapalaganap ng mga impormasyong pangisdaan at akwakultura. Ang tagapamahala, ang Kalihim-Pangkalahatan (Secretary-General) ay nanunungkulan sa Secretariat sa Bangkok, Thailand. May apat na kagawaran ang SEAFDEC: • Training Department (TD) sa Samut Prakan, Thailand, sanayan para sa paghuhuli ng isdang-dagat (marine capture fisheries) • Marine Fisheries Research Department (MFRD) sa Singapore para sa mga teknolohiyang pang-post-harvest • Aquaculture Department (AQD) sa Tigbauan, Iloilo, dito sa Pilipinas, para sa pananaliksik at pagsasanay sa akwakultura • Marine Fisheries Resources Development and Management Department (MFRDMD) sa Kuala Terengganu, Malaysia para sa pagpapaunlad at pangangasiwa ng yamang-dagat sa mga exclusive economic zones (EEZs) ng mga kasaping bansa ng SEAFDEC